Chapter 6

38 0 0
                                    


One down!

Kinikilig kong inamoy ang panyo ni Worth.

"Ambangoooo!" Pinanggigilan ko pa 'to. Hirap na hirap akong pigilan ang sarili. Nagmamadali kong kinuha ang listahan na binigay ni Lola. "Buhok at brief niya. Tama!"

Kinikilig parin ako habang nilalagay sa isang paper bag ang panyo niya. Kulang nalang ay mag-evil laugh ako. Pero natigilan ako ng biglang lumabas sa kwarto si Worth.

"Aren't you sleeping yet?" tanong niya habang papunta sa refrigerator. Iinom nanaman ng tubig. May sarili atang alarm clock para sa tubig ang lalaking 'to. Ako na hindi umiinom ng eight glasses of water ebridey.

"H-hindi pa ako inaantok."

"I'll be having a cup of noodles."

"Talaga? Ako rin!" Naeexcite akong lumapit sa kanya. Nagmimidnight snack pala siya. Oh eh ngayon nagmimidnight snack kaming dalawa! Ang midnight snack ko lang po kasi ay overthinking.

Hindi na siya nagsalita at kumuha ng dalawang noodles saka nag-init ng tubig. Habang tinitingnan ko si Worth pakiramdam ko ang gaan ng lahat. Ngayon lang ako naging kalmado ng ganito habang nakatingin sa kanya. Sa mga nagdaang araw, lagi akong nakatingin sa kanya sa malayo. Nagseselos, naiinggit, natatakot. Tuwing lalapit naman ako sa kanya, ramdam ko rin ang sarili na nagpupumilit. Na para bang last day of the earth lagi tuwing kakausapin ko siya. That's my way of expressing how I feel. That whenever I am happy around him, I am sad, I am jealous, I am determined.

Pero ngayon... Nakakapanibago.

"What?"

Napapikit ako ng bigla siyang magsalita.

"Huh? Ahm w-wala lang. M-masaya lang ako in a peaceful way. Alam mo 'yon? Ang kalmado."

"It's because you'd never been this peaceful."

"At isa ka sa dahilan noh!"

"Stop finding someone to blame. That's your choice to not to."

Natigilan ako. At nag-iisip ng ipangrerebut. Hmp!

"'Yon nga eh. Wala akong ibang choice at ayaw kong may iba akong choice. Ikaw lang ang gusto kong choice. Kaya ganoon ako... That's how I reacted towards my choice."

"Why not reacting calmly then?"

"Sa'yo? Calmly? Ngayon lang! Sinong kakalma kung araw-araw pinagtatabuyan mo ko, madalas may kasama kang iba't-ibang babae, tapos minsan hindi ka nagsasalita pagkinakausap ko. Okay ka lang?"

Umiling siya habang nakangiti. Oo, nakangiti siya! Napangiti rin tuloy ako.

"Aba! Ganoong babae ba ang gusto mo 'yong hinahabol-ha-"

"Of course not," agad niyang putol sa seryosong tono. Lah, may moods swing. Nilagyan niya ng mainit tubig ang cup noodles namin tapos iniwanan sa akin ang isang noodles.

Naiwan akong nakanganga. Ang hirap talagang tansiyahin ang timpla ng taong 'yon! Kanina nakangiti lang. Tapos biglang nagwalk out.

Dumeretso siya sa sala at nanood ng Saksi sa channel 7. Sa kabilang sofa ako umupo. I cleared my throat and look at him. Pero nakafocus siya sa panonood.

"Sorry," panimula ko. "Ewan ko rin bakit ako nagsosorry. Na-offend ata kita."

"You just insulted yourself."

"Huh?"

"Nevermind. I just wanted to make things clear. First, pinagtatabuyan kita dahil naiinis ako sa'yo. Second, iba't-ibang babae phrase is overestimated. At hindi ko sila babae. I don't like owning people especially women. Third, you're too talkative. I have no room to talk whenever you're around me. So I kept quiet. But now that you're in my place. I must have my rules. Number one, limit your voice. If you want to talk all day go out. Is that clear?"

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now