Chapter 19

31 1 1
                                    

"Lolo Layaaaaa!" Sopranong tawag ni Shemia kay Lolo pagdating namin sa bahay. Agad din kasing sumunod sina Shemia, Thim, Xyron at Tristan ng malamang nasa probinsiya na kami.

At sa totoo lang, si Shemia ang isa sa pinakaclose ni Lolo sa mga kaibigan ko. Sabay kaming lumaki ni Shemia at pareho kaming pinagagalitan ni Lolo tuwing maglalaro kami sa pangpang tuwing hapon imbes na matulog.

Niyakap ni Lolo si Shemia na alalang-ala sa kanya. Dumeretso sila sa kusina at nagkwentuhan. Naiwan sa akin ang apat na ginoo. Napangiti tuloy ako na kinikilig.

"Woy, Aya. Kumusta na ang Lolo mo? Nakwento ni Worth sa amin lahat." Tsismosong lapit ni Xyron sa akin.

"Upo muna kayo," aya ko kanina Thim at Tristan sabay hampas kay Xyron, "At ikaw tumayo ka lang. Sasagap agad ng kwento. Hindi man lang ako kinamusta?"

"I don't think I need to. Lagi ka namang inaalagaan ni Worth dito." Napatingin kami kay Worth na maingat na inaayos ang mga gamit ni Lolo.

Worth shrugged, "Honestly, Xyron always asked me through chat how are you, Aya. I told him that I'll punch him if I saw him asking you."

"Aaahhh!" Napatango ako. Napakamot sa ulo si Xyron.

"'Yon naman pala," bulong ni Tristan. Thim laugh.

"Fine." Nagtaas ako ng kilay. Saka ko kinaladkad si Xyron palabas, "Samahan mo ko bili tayo meryenda sa labas."

Lalabas na sana kami at hahabol na sana si Worth na mukhang hindi ko maintindihan kung inis o nagseselos dahil si Xyron ang hinila ko. Nang lumabas si Shemia sa kusina.

"Meryenda? Aya, dito na lang! May saging at kamote! Magluluto tayo ng meryenda."

"I think mas masarap 'yang naiisip mo!" Tinawanan nila ako sa pagiging indecisive. While Worth is still looking at my hand on Xyron's wrist. Si Xyron na ang kunyaring nandidiring umiwas.

"Ang kulit nito, nagseselos nga boyfriend mo." Inis na sabi ni Xyron na ikinatitig ko kay Worth. Bigla siyang nagwalk out.

Nagtingan sina Trixtan at Xyron, Thim at Shemia. Hinabol ko ng tingin si Worth. Bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko naman sinasadyang pagselosin siya. Nasanay lang naman akong ganoon kami ni Xyron. Wala lang naman 'yon.

Inaya na ako ni Shemia n magluto bago ko pa masunda si Worth. Kasama namin si Lolo sa kusina habang nagkwekwentuhan din. Ang mga lalaki naman ay nagplaplano na ng mga gagawin sa pangunguna ni Thim na nakasubok na ng ilang gawain dito dahil nakapunta na siya kasama si Shemia.

Nagsimul kaming magmeryenda at sina Xyron naman ang kakwentuhan ni Lolo. Kinukwentuhan nila si Lolo ng mga mayroon sa Manila. Samantalang kami ni Shemia ay kumakain.

"Si Worth?" Luminga si Shemia habang subo-subo ang pritong saging.

Hindi siya narinig nila Lolo.

"Nasa labas ata."

"Ohm... Ay teka. Pupuntahan ko pala sila Moneng. Yayayain ko sa bonfire natin mamaya." Biglang tumayo si Shemia at nagmamadaling umalis.

Doon lang nakapansin si Lolo.

"Saan ang punta ng batang 'yon at nagmamadali?" Lolo asked. Thim look at me.

"Kanila Moneng, Lo. Yayayain daw sa bonfire?"

"Ah, yes. Actually, Shemia organized some activities we can do. Bonfire ang first sa list niya." Thim confirmed. Tumango sina Trixtan at Xyron. Nagpatuloy sa pagkain si Lolo.

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain. Sandali pa ay dumating na si Worth na kumakamot sa ulo niya habang lumilingon sa labas.

"Oh hijo-apo! Meryenda na!" Tawag ni Lolo sa kanya.

Gayuma Gone WrongHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin