Chapter 11

29 0 0
                                    


"Sabihin mo, Iha... Paano mo siya hinalikan?"

Nakatitig lang ako sa bintana habang dala-dala parin ang samu't-saring emosyon mula sa huli naming pag-uusap ni Worth kagabi.

Kahit iniyak ko na kagabi ang nakakainis at nakakalungkot na parte, parang hindi parin nabawasan ang dala-dala ko.

Naiinis parin ako sa pagiging komplikado ng sitwasyon. Nalulungkot sa mga naiintindihan ko nito lang. Mula sa mga sinabi niya kagabi... Sa paghalik niya.

"Iha!"

"Ho?"

"Anong ho? Kanina pa ako nagsasalita rito. Abang bata ka. Sabi ko, paano mo siya hinalikan? Niyakap mo ba ng mahigpit? Nagpumiglas ba ang iho? Nagalit? Nainis? O wala lang sa kanya?"

Dapat. Dapat wala lang sa kanya ang lahat. Dahil 'yon ang pagkakakilala ko sa kanya. Pero living with him in the same roof made me realize something. Kapag nagmahal ka, hindi ka dapat tumitingin sa iisang side ng taong mahal mo. Kada ikot ng baso dapat tanggap mo ang makikita mo. It's a circle, walang katapusang pagbabago, pagkamangha, dismaya, supresa.

Enchanting...

"Ay jusko hindi maayos kausap."

Napatingin ako kay Lola. Tinitigan niya rin ako.

"La," tawag ko.

"Oh ano? Magkwento ka na, iha aba! Gusto ko ng malaman! Paano mo siya hinalikan?"

Tinitigan ko siya, "Akin na ho ang gayuma."

Tumaas ang kilay ni Lola, "Wow, demanding. Ayaw magkwento?"

"Sigiii na, La! Next time ako magkwekwento. Pramis!"

Nakanguso si Lola habang pinipilit kong ibigay na niya ang gayuma. Ilang pangungulit pa ay bumigay din siya. Marami pa siyang sinabi at pangaral na binitawan pero ang utak ko nag-iisip na ng paraan para subukan ang gayuma na hawak.

HAPON ng araw ding 'yon nag-impake ako ng gamit. Sinadya kong magpapansin kay Worth. Sakto paglabas niya ng CR, bagong ligo ang hudyo. Ramdam ko ang pagtataka niya.

"What are you doing?"

Hindi ko siya sinagot.

"Aya."

OMJI TINAWAG NIYA AKO! May pagbabanta. Kumalma ka, Aya! Naiiyak nanaman ako. Kainis!

Binilisan ko ang ginagawa. Umaapaw ang emosyon sa dibdib ko kahit hindi ko utusan. Ang plano ko ay umalis ng apartment niya at mapag-isa sa apartment namin ni Shemia hanggang dumating ang kaibigan ko. Baka sakaling makapag-isip-isip ako ng mabuti tungkol sa gayuma.

"I said what are you doing," he said authoritatively. Pulling my arm away from my things. Letting me face him. Putragis ka, Worth. "Anong ginagawa mo?"

"Obvious ba? Aalis."

"It's not yet safe. Paano kung balikan ka ng mga taong nagbibigay sa 'yo ng death threats. Shemia and Thim will be back in few days. Until they are not back, you stay here."

Napanganga ako, deep inside sasabog sa kilig ang pantog ko.

"Hindi na," umiwas ako agad ng tingin. "Aalis na ako."

"We're not okay..." Natigilan ako. Muling nag-angat ng tingin sa kanya, "Are we?" There are few emotions in his eyes. Pero sa sobrang kaunti ay halos wala na. Napabuntong hininga ako.

"Gusto ko lang ng space para mag-isip."

"Mag-isip about what? Is it about the kiss, Aya?" Puno ng determinasyon ang tono niya. "Is that getting you awkward? Nagwalk out ka na kagabi. I let you. Now, what? Gusto mo ng umalis? Dahil naaawkwardan ka sa halik na ginawa ko? And if I give you another one, would that make you less awkward?"

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now