Chapter 22

24 0 0
                                    

Nagtanghalian kami sa ilalim ng puno ng mangga sa gilid ng bahay. Pinaalis ako ni Lolo sa kusina dahil sila na raw ni Worth ang magluluto. Pakiramdam ko may tinatago ang dalawang 'yon. Pero ang hirap magpakita ng pake. Kasi hindi nanaman ako pinapansin ng hudyo. Lakas talaga magtampo parang siya pa babae.

Tss. Okay na rin siguro na hindi niya muna ako kausapin. Dahil sa huling usap namin kaninang umaga at sa eksenang nadatnan ko kaninang umaga pagkagising ko? Natataranta ako na hindi ko maintindihan. At nahihiya ako kay Worth. Ugh! The bothered queen goes to me myself and I! Buyset.

"Ayan na kakain na!" Putol ni Xyron sa mga iniisip ko. Katabi ko siya sa kanan at si Shemia at Thim naman sa kaliwa ko.

Paglingon ko sa likod padating na nga si Lolo at Worth na dala ang mga luto nila. As if it's automatic, Xyron excitedly moved away from me and give way to Worth to seat down beside me. Dala niya ang kanin at ulam, may dala pang isang ulam si Lolo. Umupo siya sa tabi ko, si Xyron naman excited na sa pagkain. Ang lala ko na! Big deal sa akin ang pag-upo niya sa tabi ko. Big deal naman talaga 'di ba? Pero...

Sinulyapan niya ako pero hindi niya nanaman ako kinausap. Napataas ang kilay ko at napasimangot ako. Kulang na lang tarayan ko siya. Nang lingunin ko si Lolo para siyang natatawa.

"Oh siya siya, kain na mga apo!" Sa hudyat ni Lolo nagsimula kami sa dasal at saka kumain. Tahimik akong kumakain. Hindi ako gaanong sanay lalo pa't nandito ako sa kinalakihan ko. Unlike Shemia who keeps on talking. Ganyan din dapat ako! Pero nakakainis. Ang hirap magbuka ng bunganga.

Worth is also quietly eating. Pinilit kong balewalain siya at ituon ang isip ko sa pagkain.

"Aya, kanin pa!" Inabot ni Lolo sa akin ang basyo ng kanin. Wala akong nagawa kung 'di kumain. Bukod sa nagugutom naman talaga ako eh bawal tumanggi kapag si Lolo ang nagsabi.

"Aya, okay ka lang?" bulong ni Shemia habang kumukuha ako ng kanin. May laman pa ang bunganga ko kaya tumango na lang ako. "Bakit tahimik ka ata?"

Nagkunot-noo ako at nagtaas ng isang kilay tanda na hindi ko alam ang sinasabi niya. She just made a 'weeh?' face.

Denedma ko ulit. Kanina for the bothered queen ngayon unbothered queen naman! Hindi ko maimagine na magiging ganito ako at sa probinsiya pa mismo. Hello! Sandamakmak ang bulate ko sa puwet.

Kumuha ako ng malaking karne sa adobo. Kasabay ng paglagay ko nito sa plato ko, ay ang isang kutsarang gulay mula sa vegetables salad. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang may hawak ng kutsara. I mean, kutsara ni Worth.

Napalunok ako.

Pero hindi siya nakatingin sa akin. He add more green vegetables. Tapos kumuha rin ng patatas sa adobo. At nilagay lahat 'yon sa plato ko. Doon ko lang narealize na puro karne ang ulam ko.

Naghagikgikan si Lolo pati si Xyron. Tandem ang dalawang 'to. Mas malakas pa sila kiligin. Si Shemia naman siniko ako.

I DON'T know if galit ba siya sa akin or he wanted to say a thing! Hindi siya nagsasalita but he just put vegetables in my food kaninang tanghali at ngayon naman ay iniigiban ako ng tubig para sa pagdidilig ng mga halaman ni Lolo.

Wala siyang sinasabi. Matagal na pala kasing sira ang hose sa labas at tuwing magdidilig si Lolo laging mula sa CR ang tubig. Wala namang kasama si Lolo kaya wala ring mag-aayos. Worth helped me. Pagkatapos ay bigla nanaman siyang nawala ng walang sinasabi.

"Aya! Aya!" Boses ni Shemia kasama si Thim.

"Ano?" Walang gana kong tanong.

"Tara mangisda tayo tapos punta tayong kuweba! Doon tayo magcamping! Sunod na 'yon sa listahan ko."

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now