Chapter 13

26 0 0
                                    


"Hanggang anong oras ang tapos ng class mo?"

Para parin akong nasa cloud nine pagbaba sa motor niya. I guess that's the best thirty minutes of my life!

"Hey!" He snapped his fingers infront of me. Pagalit.

"Ha? Ano 'yon, babe—este Worth?"

Hinarap niya ako. Nasa kanang braso ang helmet ko. Suot niya parin ang helmet niya. He stare at me. Pero para siyang galit.

"Babe? That's a pig."

"A-ah? Huh? U-uso kaya 'yon na tawagan ng magjowa."

"Jowa mo ba ako?"

Napanguso ako, "H-hindi... Pa. Asyumera lang oh di ba 'yon gusto mong marinig!"

Mahina siyang tumawa. Teka—namumula siya!

"Yeah. Keep on assuming things, Miss Dimatinag."

Inirapan ko siya habang pinipigilan ko ang kiligin.

"Anong oras ang tapos ng klase mo?" tanong niya.

"Mamayang twelve. Bakit? Susunduin mo ulit ako?" Excited kong tanong.

"What if I just asked?"

"Okay lang, sanay na ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "See you sa dorm."

Napailing siya habang nakangiti parin. Saka umiwas ng tingin. Sumampa sa motor niya at binuhay ito.

"I'll fetch you here at 12 noon."

Pinaandar niya ang motor at umalis. Iniwan nanaman akong nakanganga. Prinoseso ng utak ko ang sinabi niya. Napasuntok ako sa hangin ng marealize ang naintindihan ko.

"AAAAAACCCKKKKKK! Susunduin niya ako mamaya! OMJIIIII!"

Hindi nawala ang ngiti ko the whole class hours. It's like, what just happened? Ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing iniisip ko si Worth. Hindi gaya ng dati, pakiramdam ko looking forward ang puso ko sa mga mas lumelevel up na mga susunod na araw.

'This is how love really feels like!'

I mean from having a crush, feeling broken, go with the flow of it, loud confession everyday, being thrown away, at sa lahat ng pinagdaanan ko! This is it! Well, on my end... I can consider it as love when it is reciprocated. Ang tagal kong nagstay sa one sided love era noh! Hindi ko naman nafefeel 'yong love kasi ako 'yong madalas na nag-eexpress. Dapat kasi binabalik din!

Not being dramatic or what, hindi na uso 'yong one-sided love lang ay okay na. Girls, dapat lumelevel up tayo! Halur! Kaya I suggest, gumamit ng gayuma! Proven and tested!

Hindi ako makapaghintay mag-alasdose ng tanghali. Wow, parang Cinderella ang peg kaya lang tanghaling tapat.

Paliko ako sa dulong room para mag shortcut papuntang meeting place namin ni Worth, argh! Meeting place talaga ang term ko eh parking lot lang 'yon ng university. Oh eh syempre inlove! Lahat feels like magical!

"Ay pechay!" Napaatras ako ng salubungin ako ni Glyza. Umaapoy ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

"I know everything." May diin niyang sabi habang pasugod parin sa akin at paatras ako. Bigla akong kinabahan.

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Malandi ka."

"Hah?"

"Hah? Bitch!" Bigla niya akong sinampal.

"Aaraaaay! Punyeta! Masakit 'yon!"

"And you deserve the pain, witch!"

'Witch...'

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now