Chapter 5

36 0 0
                                    


Napakunot-noo ako dahil sa kumakalabit sa tuhod ko. Dalawang beses akong kinalabit bago nagsalita.

"Hey!"

Eh kung nagsalita siya agad for the dilat ako agad. Worth's voice made my eyes wide. Siya ang nabungaran ko. Nagpunas agad ako ng bibig dahil sa nararamdamang laway.

"G-goodmorning!"

"Get your ass out there..."

Agad akong tumayo. Nakaiwas siya ng tingin. Nakabihis na din siya. Mukhang iiwan niya akong mag-isa rito. May kinuha siya sa bulsa sabay hagis sa akin. At iiwan nga ako.

"I duplicated my key. There's no cooked food. I am leaving. I just don't want to leave you looking helpless here. Lock the door if you'll going out. No friends allowed."

"Teka, huh? Kahit si Xyron bawal?"

Masama ang tingin niya, "No. Friends. Allowed."

"Ako lang mag-isa rito? Anong oras ka uuwi?"

Hinarap niya akong maigi, "Why do you need to ask?"

"Kasi concern ako," deretsahan kong sagot. Hindi agad siya nakapagsalita.

Umiling siya saka naglakad palayo.

"Woooyy tekaaaa!" Nagmamadali ko siyang hinarangan bago pa makalabas.

"Nag-almusal ka na ba?"

"Can you stop asking? Get out of my way."

Hinawakan ko ng doorknob, "The only way to get through this door is to deal with me. Nag-almusal ka na ba?"

"Wala kang pake."

"Malaki ang pake ko."

"Who cares about you caring at me?" Bigla niya akong hinawi palayo saka dumeretso palabas.

Napanguso ako. Malas ko lang late ako nagising. Humanda siya sa akin bukas.

Nagpadeliver lang ako ng pagkain at dumeretso na sa university. Dalawang subject lang ang meron kami. Pagka-hapon ay umuwi na rin ako. Wala akong magawa at nakaupo lang ako sa sofa ng apartment ni Worth. Hindi ko maigalaw ang mga paa para maglibot at maghanap ng nakasabit na brief.

Two hours palang akong nakaupo ay kating-kati n ang puwet ko. Sakto pagtayo ko para sana mag-CR ay bumukas ang pinto. Worth came in na parang may hinahanap at nang magtama ang tingin namin ay agad lang din siyang umiwas ng tingin.

Dumeretso siya sa kwarto niya matapos magtanggal ng sapatos. Agad akong nakaisip ng paraan para mag-usap kami. Nag-order ako ng bananaque at toron. Pero hindi pa dumarating ang order ko ay lumabas na si Worth ng kwarto, nakapambahay na.

Dumeretso siya sa refrigerator at uminom ng tubig. Kinuha ko ang tumblr ko at lumapit sa kaniya.

"Makikilagay," inangat ko ang tumblr na ang tubig ay galing pa sa water dispenser sa university. He says nothing. Kaya nilagay ko na ang tumblr sa refrigerator. Sinarado niya 'yon at binalewala ako.

"Kumusta araw mo?" Pangungulit ko habang sinusundan siya. Bigla siyang tumigil, muntik na akong mauntog sa braso niya.

"Stop nagging me, will you?"

"Nagtatanong lang eh."

"You're annoying."

"Ikaw din kaya," ngumuso ako.

"Then stop talking to me."

"Eh hindi ko kaya eh," bulong ko.

"I hate people who are too talkative. Kung ayaw mong manahimik, lumabas ka."

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now