Chapter 15

24 0 0
                                    


It's the National Museum of Fine Arts!

Hindi ako nakapagsalita habang hawak-hawak parin ni Worth ang pulsuhan ko. Hanggang sa makapasok kami sa loob.

Bumungad sa amin ang napakalaking Spoliaruim ni Juan Luna.

Naramdaman kong bumaba ang kamay niya sa mga daliri ko. Unti-unti akong napangiti habang sinasalubong ang pagkakasiklop ng mga daliri namin.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. I started to feel uneasy. Dumadami ang mga kabayong tumatakbo sa dibdib ko at mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko.

"Tara," ani ng kadate ko este ni Worth!

Tumango ako at sumunod sa kanya. Gulong-gulo dapat ako! Dapat nababaliw ako dahil wala paring assurance mula sa bibig niya kung para saan ba lahat ng 'to! 'Di ba dapat ang epekto ng gayuma eh baliw na baliw ang gwapong 'to sa akin? Bakit parang ako parin ang baliw sa kanya. Ah bahala na!

Everything is new to both of us. Kaninang umaga sinabi niya kay Glyza na hindi niya ako girlfriend. Pero may plano palang makipagdate sa akin. Kumain kami ng lunch sa isang romantic na lugar at ngayon naman nasa National Museum kami! Hindi na kaya ng OA kong side ang nangyayari.

"How many times you'd here?" tanong niya habang naglilibot kami.

"Pangseven 'to." Tumawa ako ng malakas pero agad ding nagtakip ng bibig dahil sa pagkatahimik ng lugar. "Sorry! Hahah! Pangseven na kasi may isang subject kami last term na talagang ayaw ko sa prof, kaya ayon cutting malala. Dito ako nagpupunta."

"So hows your grade to that subject?"

"Grade doesn't matter, ano ka ba!"

He shake his head and smile, "If that's what you think."

"Naka dos naman ako kahit papaano."

Pareho kaming mahinang tumawa. In those times that I'd been here, ito na ata ang beses na pinakana-appreciate ko ang Art. It seems alive now. Lahat ng nakikita ko pakiramdam ko nakangiti sa akin. Kaya nakangiti rin ako.

"Ikaw, Worth pang-ilang beses mo ng nagpunta rito?"

"This is the first."

Nanlaki ang mga mata ko, "Huh! Weh. Hindi ako naniniwala."

"Then you're really not my stalker."

Napasimangot ako. Parang nawala ang credibilidad ko doon ah. Pero totoo... Never ko siyang nakitang nagpunta rito. Sa Rizal Park, oo.

"I am not into Arts," ani niya. "But I am into history."

"Oww. Teka, hindi ko gets. Eh diba engineering ka. Nagamit kayo ng Arts. Saka anong konek ng Arts sa History?"

"That's the point. May Arts na sa engineering. Walking in here doesn't excite me anymore. And Arts has history, Aya."

"Oww. Pero hindi ko parin gets 'yong last part."

"Every Art you see in here has a story, a history. That's what makes me excited. In there I got thrilled."

"Oh. You're more on the deeper part of an Art."

"You got it."

"Sige nga, anong history nito!" Panghahamon ko na ikinatawa niya.

"Let me search that." Bigla niyang nilabas ang cellphone kaya natawa ako lalo. He didn't even laugh. Seryoso niyang hinahanap ang istorya ng art na tinuro ko.

At habang mahina akong tumatawa napatahimik niya ako.

"1949. Sabi rito, that was the year of the former President Elpidio Quirino. Taon kung saan isinasawalang bahala ang problema ng society. It is titled, "A Plea for Freedom from Fear" as it described someone who wanted to be free from the misfortunes happening during those times. It was made by Fermin Gomez," tiningnan niya ako. Nakanganga ako sa kanya. "Freedom is dollar during the war in history." He look at the sculpture.

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now