Chapter 9

32 0 0
                                    

"Damn you, Xy!"

[Bilisan mo na! Dadaanan na nga lang natin eh!]

"Kakauwi ko lang galing OJT. Can't you understand I am resting?"

[Kasama ko na si Tristan! Come on! Minsan lang nasa 9th Avenue ang mga idol natin! Bilis bago tayo mastuck sa traffic!]

"I can go whenever I want."

[But now you can go with us! Tara na kasi. May ginagawa ata kayong milagro ni Aya kaya ayaw mong sumama!]

Naibuga ko ang milktea na iniinom kamuntikan pang lumabas ng sago sa butas ng ilong ko dahil sa lakas ng boses ni Xyron sa cellphone. Nasa pinto na ng kwarto si Worth, kahit nakaloud speaker ay may distansiya pero ang bunganga ni Xyron natagos.

"Shut up."

[Tara na kasi!]

"Fine!"

Inis na binaba ni Worth ang tawag. Naglakad siya papuntang pinto.

"Alis ka?"

"Ah yah. 9th avenue." Tugon niya. Ngumiti ako.

"Sigi, ingat. Enjoy!"

Nagdalawang isip siyang humakbang pero nagtuloy din sa paglabas. Nagpatuloy din ko sa pagkain ng meryenda. Nalingunan ko ang kamoteque na naiwan sa mesa. Para sa kanya 'yon eh. 'Yong toron lang ang kinain. Dadamputin ko na sana ang pagkain ng mapansin ko ang susi na nasa sofa kung saan nakaupo si Worth kanina bago tumawag si Xyron.

"Ay shit." Nagmamadali ko itong kinuha at tinakbo palabas. Pero natigilan ako ng mabasa ang nakasulat sa isa sa mga susi.

[Bedroom]

Nakagat ko ang ibabang labi. Napapikit at saka pumihit paharap sa kwarto niya.

"Whew! Last na 'to! Please! Papa God, help me! Sorry na agad!"

Nagmamadali akong lumapit sa kwarto niya at sinubukang buksan ito gamit ang susi. And it opens!

"Worth, sorry. Pero ikaw na ang nagsabi na wala akong magagawa para makuha ka. Kaya gagawin ko na lahat ng paraan na alam ko!"

Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. I can't help but utter a 'woah' after roaming my eyes inside his room.

There's a galaxy in the ceiling. The wallpaper is black limited touch of white. The floor is carpeted. Ang gara!

Kaunti lang ang gamit. Mayroong malaking cabinet sa harap ng kama. May maliit na side table. May flat screen TV. May computer set at piano set sa gilid. Mayroon ding mandala design sa ibabaw ng headboard ng kama.

There's also a small balcony. May halaman sa labas. 'Yon lang ay walang CR ang loob. Pero! May nakita akong useful, my lagayan ng used clothes sa gilid ng cabinet.

Tinakbo ko iyon at maingat na kinalkal. I try my best na hindi masira ang pagkakatupi ng damit. Pero mukhang ayaw akong pahawakin ng brief na gamit. Dahil wlang brief dito!

"Hala, ano ba 'yan. Sorry talaga, Worth!" Litanya ko habang binubuksan ang mga drawer ng cabinet. At sa wakas! "I got it!"

Nabuksan ko ang mahiwagang drawer na puno ng brief! Gusto kong tumili pero mamaya na lang. Nagawa ko pang mamili ng brief. At dahil lahat kulay black and white, itong isang kulay dark blue ang kinuha ko. Agad kong sinara ang drawer at niyakap ng brief.

"Yeeeesss!"

Excited akong palabas ng kwarto ng mahagip ng mga mata ko ang isang notebook sa kama. Mukhang nagsusulat siya bago magmeryenda. Nilapitan ko iyon at tiningnan.

"Journal. Wow! Nagjojournal din pala siya... Teka." Napakunot-noo ako ng makita ang dulo ng  bookmark ng journal. It looks familiar. Last year, sa school fair. Bumili ako ng couple bookmark. Binigay ko sa kanya 'yong isa. Binuksan ko ang journal at napanganga ako ng makita ang bookmark na binigay ko!

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now