Chapter 12

27 0 0
                                    


FIVE worst days since we'd last talked. Ang lungkot ng buhay ko, as in, sa lahat ng aspeto malungkot. Hindi na ako ngumingiti, lalo na ng walang dahilan. I try to ignore Worth pero gaya ng dati ganoon parin ang daan niya, walang pinagbago. Araw-araw ko parin siyang nakikita. Sa kasawiang palad, gaya ng dati, parang wala parin siyang pake.

It feels like, panaginip lang ba 'yong mga araw na magkasama kami sa apartment niya? Panaginip lang ba 'yong mga moment naming dalawa? Panaginip lang ba 'yong mga naranasan ko para makuha ang ingredients ng gayuma? At panaginip lang ba ang dalawang beses na paghalik niya?

Tuwing titingnan ko ang gayuma, ang sagot sa mga tanong ko ay... Hindi. Hindi panaginip lahat.

Dumaan si Worth ng hapong 'yon sa cafeteria. Sakto namang may propesor siyang nakasalubong at nagkwentuhan sila sa gilid. Ilang tables ang layo mula sa inuupuan ko. Naka automatic titig parin ang mga mata ko sa kanya. The woman who admire her since day one never die. At hindi mamatay-matay.

Siguro unti-unting nagmamatured? Nah, baka nahihit lang ng mga realizations. Pero 'yong realizations na 'yon ay tunay mapagmulat... Kaso heto parin ako. Baka... Totoo ngang bulag ang pag-ibig.

He didn't move any muscle in his face. Animo ay masugid na tagasunod ng propesor kung tumango. Magalang, makisig, matalino ang tindigan. He looks so hot being that smart, untouchable, respected man in the university. Halos kalevel niya ang propesor kung kumilos except sa graduating palang siya at mas gwapo talaga siya.

Halos lahat sa kanya... Kapanta-pantasiya. Worth is indeed much worthy of being love.

'Aya.' That little voice called me in Worth's tone. 'Yong tono niya sa 'Miss Dimatinag' na ang kasunod ay end of conversation. Na ngayon ay... Tragis na paghalik na! Aya in an authoritative tone then that wet kiss. Nakaupo ako pero nanginginig ang mga tuhod ko.

Unti-unting sumisimangot ang mukha ko habang nakatitig parin kay Worth.

'I hate you,' bulong ko. 'I hate you playing with me. Sa pakikipaglaro ka pala umuubra. Puwes hindi na kita bibitawan. Hindi mo ata alam ang mantra ko sa buhay pag-ibig... Ang siyang natatangi kong first kiss ay ang lalaking dapat makakasama ko hanggang sa huli. Kaya maghanda-handa ka na, Worth. Dahil madaming beses mo pa akong hahalikan.'

Bigla siyang lumingon sa akin. Napakuripas ako ng iwas ng tingin. Nang maramdamang hindi na siya nakatingin ay dahan-dahan akong bumalik ng tingin sa kanya. Napatitig ako sa mga labi niya. In some angle it looks... Smiling now.

SEVEN days since we'd never talked. Hindi ko talaga alam paano ko nagawa 'yon. Tinititigan ko lang siya sa malayo. Minsan nahuhuli niya ako. Minsan inaassume kong tinitingnan niya rin ako.

Wala si Shemia sa apartment dahil may date sila ni Thim. Kaya nagluto ako ng carbonara. Paniguradong aasarin at iintrigahin lang ako no'n pagnakita akong nagluluto nito. But then... Ito, nagluluto parin ako para... Para sa binabalak kong masama.

Masama na kung masama! Si Worth may kasalanan nito.

Nang matapos akong magluto ay kinuha ko ang gayuma sa bag. Napabuntong hininga ako.

"Papa God, sorry na agad. Alam kong mali 'to pero... Natatakot akong masaktan. Natatakot akong mawalan ng ganitong klase ng pakiramdam. Saka... Gusto ko pong maranasan 'yong pure, Papa God. 'Yong... Totoong pagmamahal. Maybe... Maybe in here I can."

I sigh and drop every drops of the liquid love potion in the carbonara. It's transparent kaya hindi halata at parang wala lang. Hinalo ko ang carbonara, making sure that it has cover up every pastas.

Tinakpan ko ito at saka lumabas ng apartment ng walang ayos-ayos sa sarili. I just want him to love what he see.

Pagbukas ko ng pinto sakto namang kabubukas lang din ni Worth sa pinto ng apartment niya. Nagtama ang tingin namin. At napatingin siya agad sa hawak ko. Nilapitan ko siya.

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now