Chapter 21

29 2 1
                                    

It's 3 in the morning.

Hindi talaga ako makatabi kay Worth. There's a huge part of me that's happy being with him. Pero mayroon paring mali. Sa ideya ng totoong relasyon, pakiramdam ko I am cheating.

Umupo ako sa harap ng dalampasigan. Nakatingin sa malawak at madilim na karagatan. Kalmado ang lahat sa mga oras na 'yon. Puwera na lang sa puso ko.

My heart is asking me... Tama ba 'to?

Mahal ko siya. Pero nakukuha ko siya ng hindi tama. Mahal ko siya... Pero mahal niya ako dahil sa gayuma. Tama pa ba 'to?

What if... 'Yong babaeng tinutukoy nila Xyron kanina ay ang totoong kasintahan ni Worth? Maybe that woman is in another country? Paano kung hinihintay niya pala si Worth? Paano kung naghihintay siya ng text o tawag ni Worth? And Worth ignoring that woman because of the potion I gave.

Napayuko ako.

"Aya?"

I look to the voice, "Aleng Ba'an?"

"Aba, madaling araw na. Bakit andito ka pa?"

"Ah ahm pauwi na rin po sana. Nagpapahangin lang."

"Ayos ka lang ba?"

"M-medjo po."

"Naku, pansin ko nga."

"Ahm ah ano pong ginagawa niyo rito?"

"Kukuha sana ako ng ilang kahoy panggatong. Gagawa ako ng suman." Ngumiti si Aleng Ba'an. Iba talaga ang sipag ng mga tao sa probinsiya kaysa sa Maynila.

"Gusto niyong tulungan ko na kayo?"

"Aba'y ikalulugod ko. Halika."

Naglakad kami sa gilid ng pampangpang kung saan maraming puno. Sa bukana ay naghanap ng mga kahoy na maaaring maging panggatong.

"Ah, Aleng Ba'an. Huwag niyo ho sanang masamain. Tatanong ko lang ho kung ano pong sinadya ni Shemia sa inyo kahapon?"

"Ah 'yon ba? May ikinunsulta lang sa akin. Nakwento niyang andito ulit sila ng nobyo niya. At ikaw din nandito at may nobyo na rin."

"Ah," napangiti ako ng asarin ako ni Aleng Ba'an. "Ikaw ha. Magpabuntis ka na, Aya. Payo ko rin iyon kay Shemia."

Nanlaki ang mga mata ko, "H-ho?"

"Oo, mas magandang maaga para makita mong lumaki ang mga anak mo. At malakas ka pa kapag may mga apo ka na. Hindi gaya ko. Naku, napag-iwanan na ako."

"Naku mukhang hindi naman ho! Batang-bata pa nga ho kayo tingnan."

"Pilya ka talaga noon pa man."

"Pinangingiti ko lang ho kayo. Isa pa, hindi pa po ako tapos sa kolehiyo. Kaya hindi po muna magpapamilya."

"Hindi naman uso ang pag-aaral noon."

Wala akong masabi kay Aleng Ba'an. Sa pagkakaiba ng panahon naming dalawa, walang tama o mali. Kaya ano pa bang sasabihin ko?

"Totoo nga ho. Pero balak ko pong mag-asawa at magkapamilya pagkatapos siguro ng kolehiyo. Salamat ho sa mga payo."

"Mabuti at may plano ka rin. Oh teka, ayos na siguro 'tong nakuha natin."

"Ako na ho ang magdala nito." Kinuha ko ang ilang kahoy pa na hawak ni Aleng Ba'an at ako na ang nagdala habang pauwi kami.

"Ahm, Aleng Ba'an. May tanong lang ho ako ulit."

"Ohm? Ano iyon?"

"Naalala ko ho kasi noong mga bata kami. Nakikita ko ho kayo na isa mga grupo ng kababaihan na gumagawa ng gayuma. Ngayon ho... Gumagawa pa ho ba kayo?"

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now