Chapter 16

23 0 0
                                    


[What's your breakfast?]

At buo na nga ang araw ko! 'Yong dapat na kumain ka na ba naging 'what's your breakfast?' and I questioned that! Hindi ba mas romantic 'yong huli? It's like-YOU! You are my breakfast.

"Nagluluto palang ako ng itlog." Nakangiti kong sagot kahit nakacall naman kami.

[Where's Shemia?]

"Maagang umalis. Hahatid daw ni Thim at magbrebreakfast sila ng magkasama." Hindi ko intensyong magparinig pero 'yon naman talaga ang totoo.

[Would you like me to come in there?]

"Syempre! Hindi uso sa akin pakipot!"

[Open your camera then.]

Napasimangot ako. Akala ko naman pupunta talaga siya. Binuksan ko ang camera ng sa suggestion niyang magvideo call. He also opened his. Gusto kong kiligin sa hitsura niya sa umagang 'yon pero ewan ko bakit nakasimangot ako.

[Why with the sad face?]

"Asan ka?"

[At my house.]

"Akala ko naman pupuntahan mo ko."

He smile, [Miss me?]

"Hindi," pinandilatan ko siya ng mata.

[That's why I won't be coming. Hindi mo pala ako namimiss.]

"Of course, I am missing you. Pero kung busy ka okay lang."

[Thank you. We are actually cleaning the house. Do you want to meet my lola?]

"Oo sige! Nasaan siya?"

[Wait. She's managing the sala. Bababa lang ako.]

"Sige, ingat!"

He stops, [Ingat? Seriously?]

Pareha kaming tumawa. Ewan ko naka-automatic ingat ako eh. Bumaba siya ng hagdan at nagkakaglimpse na ako sa loob ng bago niyang bahay. Hindi ako nagmamadali, dadalhin niya ako dyan. I know!

[La?] I heard him. He talked to someone before looking at the screen—to me! [Sorry, she was outside.]

"Okay lang! Next time in person na lang. Huwag ka ng lumabas."

[I think, yes.] He smile. [What time is your first class, Aya?]

Pinatay ko ang kalan ng makitang nasusunog na ang itlog ko. Hindi agad ako nakasagot. Sinilip ko siya ng maiangat ko ang frying pan. He's looking at me with concern. I slowly smile, he is, too. And I laugh. He laugh.

[Don't do that again.]

"Sorry na! Hindi ko inaasahan 'yon. Tragis. Makakasunog pa ako ng isang gusali." Mas lumakas ang tawa ko habang sumusubo ng sunog na itlog.

Kumakain ako habang nakikipag-usap sa kanya. We started to talked about random things. Ang gaan sa pakiramdam ng bawat segundo.

[I remember asking you for your first class, Aya.]

"Class?"

He laugh, [Come on!]

"Huwag na pumasok!"

Lalong lumakas ang pagtawa niya. I just feel so much glad making him laugh. Nakakataba ng puso makita siyang tumatawa. Unlike before... Sumagi nanaman sa isip ko ang gayuma.

'How powerful is that...'

[Go to your class, Aya. Susunduin kita. Anong oras ba?]

"Mamayang 10 am."

[It's 9:30. Tss. I'll be there in twenty minutes. Be ready.]

"Huh!? Wait!"

Napakuripas ako ng takbo sa CR ng makita ko siyang kumuha na ng damit. Gusto ko pa sana siyang tingnan magbihis pero nakakahiya namang paghintayin siya rito. Arghh! Sumisipag ako pumasok ah.

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now