Chapter 17

27 0 0
                                    

Nakampante ako.

Akala ko wala akong ibang commitment sa araw ng graduation nila Worth. Pero hindi ako pinayagan ng leader namin sa thesis na lumiban sa meeting.

Ang buong umaga ay nilaan ko para sa meeting namin. Pagkatapos ng lunch sumegue na ako sa pag-alis. Pero hindi niya ako pinaalis agad. Hindi ko na naiintindihan ang mga gagawin. Pasimula na ang thesis namin, kinokontak ang magiging adviser namin. And all such na ikinasimangot ko the whole morning!

Ilang beses kong kinokontak si Worth at humihingi ng pumanhin. Hindi niya ako nirereplayan. Naiiyak na ako.

Until Shemia message me that afternoon, hindi rin daw siya nakaattend pero hahabol sa hapon dahil may handaan kanila Thim.

Hindi man lang ako minimessage ng kahit sino kanila Thim, Trixtan, at Xyron. Nafrufrustrate na ako.

Hanggang sa titigan ako ng leader namin. Pilit ko siyang nginitian.

"Sige na nga. Umalis ka na, Aya. Make sure na nandito ang commitment mo sa mga susunod na araw ha. Ikakapass or fail natin to. I know aware ka."

"Thank you, Lyka! Oo! Pramis! Babye, guys! Una na ako! Sorry talaga!"

They wave back. Some are laughing, smiling. Lyka just shake her head. I deeply understand! Pero once in a lifetime ko lang makikita sa black toga si Worth! At hello sa labas na nga lang ako ng PICC at presensiya ko na nga lang ang ambag ko wala pa!

Halos hakbangin ko na ang Pasay mula Taft Avenue para lang makahabol. Pero pagdating ko doon naglalabasan na ang mga graduates. Nagkalat na ang mga tao na kanya-kanyang nagpapakuha ng litrato.

Todo taas ako ng leeg para lang mahanap sila Worth. Or kahit si Xyron odikaya sila Trixtan or Thim. I also message Shemia pero wala ng reply.

Until I saw hope!

"Xyron!"

"Aya! Bakit ngayon ka lang? Piktur muna! Remembrance mo sa akin." Pilit akong ngumiti ng bigla siyang kumuha ng selfie naming dalawa.

"Si Worth?"

"Kasama Lola niya nasa parking lot ata, pauwi na. Kanya-kanyang family dinner. Nauna na si Trixtan at Thim kasama si Shemia. Hinanap ka ni Worth kay Shemia. Sabi ni Shemia nasa group study ka para sa Thesis niyo?"

"Oo eh. Babye muna. Congrats, Xy! Love you!" Tumakbo na ako sa parking lot para maabutan siya.

I stop searching for him. Pero nakita ko siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang isang matandang babae. I frown, the old woman looks familiar. Pero sandali lang ang exposure niya sa mga mata ko. I divert my attention to Worth. Umikot na siya sa driver's side ng kotse.

My heart just beat faster. Para bang ang laking panghihinayang ang nararamdaman ko. Umiiyak akong tumakbo para sana abutan sila. Pero biglang umandar ang sasakyan. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Then my jaw drop.

Tila ba dahan-dahang umandar ang sasakyan para dahan-dahan ding bigyan ako ng pag-asa. Worth is standing there looking at his phone. Everything's seems slow. He look up, look around. Nadaanan ako ng tingin, at muling bumalik ang tingin sa akin.

He slowly smile.

Para bang tumitili ang puso ko. He's still wearing his black gown. He's standing there firmly, elegantly, smiling at me.

Hindi ako agad nakagalaw. Siya ang unang naglakad palapit sa akin at tinakbo ko na ang natitirang distansiya. I hug him tightly, crying.

"Sorry!"

"Hey, hssh. It's okay. Shemia informed me."

"Akala ko sumakay ka na sa kotse." Nagpunas ako ng luha.

"Xyron chatted me right away na nandito ka. Kaya sabi ko sa driver namin si Lola na muna ang ihatid para makapagpahinga. At susunod tayo."

Nilibot ko ang tingin sa gwapo niyang mukha. As I am about to hold his face someone pass beside us.

"Ouy, congrats, Aya." One graduate mocked. May mga nagtatawanan pa. Nang lingunin ko si Worth masama ang tingin niya sa mga kapwa graduates. He hold my hand and pull me away from there.

"Worth," I stop.

He sigh, "Thank you for being in here, Aya. Pasensiya na kung hindk ako nagrereply sa messages mo kanina. Those... Those reactions and approaches ang ayaw kong makita mo. Few people has their mind close at hindi ko gustong magpaliwanag sa kanila. That's also why I kept ignoring you the past years. People find what you did funny. 'Yong paghahabol mo sa akin at pagiging showy. Look... There's nothing wrong in what you did. You just making me fall by those. Pero may mga taong juvenile ang isip. I wanted to say sorry for them."

Napanganga ako. Hindi ko agad naiintindihan ang lahat ng sinabi niya. Napapansin niya na ako noon? I am making him fall inlove? Huh?

'No. Nasabi niya 'yan dahil sa gayuma. Stop assuming, Aya.'

"A-ah." I close my eyes and sigh. Ngumiti ako kasama ang pagmulat. "I don't care about them. Huwag ka ng magworry. Graduation day mo! Tara piktur tayo! Saka na natin backstabin nga gano'ng tao."

He frown and slowly smile. Hinila ko siya sa harap ng PICC at doon kami nagpiktur. I even poke one graduate na nakasalamin at mukhang walang pake sa issue namin ni Worth at ang pake niya ay nasa global warming at climate change, para pikturan kami ni Worth. He nod and took us photos.

I hugged Worth.

I kissed him on his cheek.

He is looking at me.

Those are the photos of us taken. Hindi ko kinakaya!

"Tara na sa bahay, Aya. Ipapakilala kita kay Lola."

"Aaahhh! Sige! Dali!" Hindi ko napigilang maexcite ng bongga.

Pero pahakbang palang ako ng biglang magvibrate ang cellphone sa bulsa ko.

"Teka, sandali."

Tumatawag mula sa messenger ang kaibigan ko sa probinsiya. Pinatay ko agad at saka ako nagtype ng message informing her na busy ako. Pero nauna ang message niya na magsent.

[Si Lolo mo Aya. Uwi ka dali kay dini na ospital.]

"Who's that?" Worth asked.

"Sorry. Sandali lang, Worth."

Ako na ang tumawag at rinig ko ang pagpapanik ng kaibigan ko sa probinsiya. Ang naintindihan ko lang ay  nadulas sa hagdan at umiinda ng sakit sa likod, balakang at binti. At... Hinahanap niya ako.

Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na 'yon. Ang bilis talagang bawiin ng saya natin. This is how life gives us trauma we can't stop. 'Yong pagiging masaya na susundan ng sobrang lungkot. This is why adult seems always sad and cold. Because this is how life treats them. Just damn.

I don't know how I tell it to Worth. Pero kinagabihan nasa biyahe na ako pauwi sa probinsiya. At kasama ko si Worth...

Nakatulog ako sa biyahe at pagkagising ko nasa isip ko ang pagkikita namin ng lola ni Worth. Realizing that my Lolo is whom we are meeting now.

"Worth, nagsabi ka naman sa Lola mo 'di ba?"

"Hey, Aya. Pang-ilang tanong mo na yan. Yes. Lola understood. There's nothing wrong."

"Pero kasi dapat nasa dinner ka ngayon kasama siya—"

"Aya, stop overthinking. Kapag nameet mo si Lola mas mabait pa siya sa inaakala mo. I'll tell you more kapag maging okay na ang Lolo mo. For now, just rest."

"Babawi ako."

Worth smile, "You don't have to. I am willing to be with you."

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now