Prologue

53 7 0
                                    

"Bianca." Mariin na tawag sa akin ni George.


Kakauwi lang namin galing sa school ko. Ipinatawag siya dahil nahuli akong naninigarilyo sa likod ng senior high school building. I was also dress coded. Mini skirt and a sleeveless top with my knee high boots. Punong puno din ng makeup ang mukha ko at nakakulot ang buhok ko.


"Why did you turn this way?"


Padabog kong inilapag ang bag ko sa sofa at saka naupo.


"You turned me this way, George." Nanlilisik sa galit ang mga mata kong tumingin sa kaniya.


I didn't even bother myself to call him "Dad". Never naman siyang naging father figure para sa akin.


Malakas at malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang pamumula nito mula sa sampal na natanggap ko mula sa kaniya.


"Napakabastos mo! Wala kang modo?!" Galit na sumbat niya matapos ako sampalin.


"Hindi ka na nahiya, Caca. Putangina! Cigarettes? You're still a minor, 17 and you already have bisyo?! Babae ka pa naman, tangina! Bianca... saan ba ako nagkulang sa pagpapalaki ko sa'yo? Ibinibigay ko lahat ng gusto mo, lahat ng luho mo pero ito? Ito ang igaganti mo sa akin? Last time, napaaway ka tapos ngayon dahil sa bisyo mo naman?! Ikaw pa naman ang inaasahan kong magmana ng mga ari-arian ko but you keep on disappointing me. You don't know how much I'm ashamed of having you as my daughter."


"So what? Its not like ginusto kita maging ama." Sagot ko sa kaniya.


"You're such a disgrace to this family!"


Coming from you na cheater.


"Wow... family! Family pala tayo sa lagay na 'to? Kasama ba kabit mo do'n?" Sarkastiko ang tono ko ng pananalita sa kaniya.


"Don't call your Tita Sam kabit. She's now my wife and your Step-Mother kaya ayos ayusin mo ang pananalita mo tungkol sa kaniya."


Natawa ako. "Nagawa mong ipagtanggol si Sam pero anak mo hindi mo nagawa ipagtanggol? Ang galing naman!" Pinalakpakan ko pa siya.


"Nakakaproud!" Dagdag ko.


Kita kong palapit si Sam kay George. There's something on her facial reaction that I just couldn't stand to see. I despise it.


Here comes the best actress of the year!


Niyakap niya ang braso nito. "Hon, stop na. She just like to explore things. Normal 'yan sa mga teenagers." She tries to calm his man.


Napairap ako. Kinuha ko ang bag ko at saka tumayo. Napagdesisyunan kong layasan silang dalawa dito sa sala. Alam kong maglalandian lang na naman sila.


"Huwag mo akong talikuran, hindi pa tayo tapos mag-usap." Pinigilan ako ni George sa pag-alis ko, nakahawak siya nang mahigpit sa kaliwang braso ko.


"Bitawan mo ako?! Huwag mo ako hawakan. Nakakadiri ka?!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko pero hindi talaga niya ako binibitawan.


"I'm giving you a chance to fix your behavior, Bianca. Or else, you won't get any single penny mula sa iniwan sa'yo ng Mommy mo." Banta niya sa akin.


"WHAT?!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.


Binitiwan ni George ang pagkakahawak niya sa braso ko nang padabog.


Sino siya para tanggalan ako ng mana kay Mommy?!


I know that he's just doing this because he wants me to obey him like a good puppy! Tae niya. I don't feel threatened at all.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now