Chapter 12

13 2 0
                                    

- Workaholic Guy -

"Whatever your reason is Tita, tigilan niyo ako." Bakas ang pagkainis ko sa tono ng pananalita ko.


"Gusto kong tulungan ang batang iyon kahit papaano kaya pabayaan mo na 'to, Caca."


She left me hanging outside.


Kaagad ko namang sinara iyong gate. Sinundan ko siya sa loob, eager to ask her the same question.


Nakita ko siya sa may sala, naupo sa may sofa. Nagmamadali akong nagtungo papunta sa kaniya.


"What do you mean??"


"Palagi kayong magkasama pero hindi ba niya nababanggit sa'yo ang tungkol sa nanay niya?" She raised a brow.


Oh... I think I get it now.


"Hindi kami close." Mariin kong saad.


Tita gave me 'That Look' before speaking up again. Para bang hindi siya naniniwala sa mga salitang binitawan ko e totoo naman na hindi kami close ni Jairo. Palaging magkasama, yes. But, we never really are friends. For me, he's just a companion sa tuwing wala ang pinsan ko na makasama.


"He has to work several jobs para mabayaran ang mga utang nila dahil sa medical bills ng nanay niya. Pinapaaral din niya ang kapatid niya." Pagkukwento ni Tita. "And I want to help that kid kahit papaano but he don't want to accept any cash from me."


"So you hired him to spy on me instead."


"Oo... ano pa nga bang magagawa ko e ayaw niyang tanggapin tulong ko e." She let a heavy sigh out.


Umupo ako sa tabi ni Tita saka siya hinarap. "Why are you so eager to help him?"


"His mother is a friend of mine. Kung nabubuhay pa Mommy mo, I'm pretty sure she'll do the same thing."


"Oh..."


I'm surprised to know Mommy have friends. Ang alam ko kasi wala siyang ibang inaatupag kung hindi pagtuunan ng pansin ang putanginang lalaking 'yon.


"Now you know." Ginulo ni Tita ang buhok ko matapos niya i-pat ang ulo ko na parang aso.


"Now I know..." Nagpaprocess pa rin lahat sa utak ko ang mga impormasyong nalaman ko tungkol kay Jairo, ngayon ngayon lang.


"So you better behave."


Tita Baby stood up and naglakad siya papunta sa kusina.


"Ano naman kinalaman ng pagbebehave ko sa kaniya?!" Huli kong reaksyon.


Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang palihim na pagtakip ni Tita sa bibig niya senyales na nagpipigil siya ng tawa.


Nakasimangot akong umakyat sa kwarto ko. Marahan kong sinara ang pintuan bago ako tumakbo papunta sa kama ko para doon ibagsak ang buo kong katawan, I'm still in my uniform.


Napatitig ako sa kisame, reflecting all of the things I've done to Jairo. I mean... I've treated him bad at napaka-mean ko pa sa kaniya? I'm not sure about it but I feel like I need to make bawi to him kahit papaano.


"Should I text him about sa paghatid niya sa akin kanina?" Napahawak ako sa phone ko.


I doubt that he will think I'm weird...


I put my phone aside sa bedside table ko, thinking.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now