Chapter 6

11 4 0
                                    

- P.E. Class -

Sa dami ng sinabi ni Jai, mga ipinaliwanag at itinuro niya sa akin, ni isa ay walang tumagal sa utak ko. Wala na akong maalala talaga lalo na iyong mga formulas na nabanggit niya sa akin sa PreCal.


"Uy, Caca!" Tawag sa akin ni Justin.


Nilingon ko siya. Naglalakad ako papunta ng kusina para kumuha ng makakain. Kagigising ko lang.


"Inadd na kita sa group chat."


"Anong groupchat?"


"Iyong sa section natin para updated ka sa mga important announcements."


Napatango nalang ako.


I checked my phone and opened the messenger app.


12 STEM-2B S.Y. 2023-2024


Inadd nga niya ako.


"Caca! Sasabay ka ba sa amin?" Rinig kong sigaw ni Justin mula sa baba.


Today's Monday and we have afternoon class. Morning, wala. Nakakabagot nga pumasok e. I want to skip class so bad but I promised Tita that I'll change kaya no choice ako kung 'di papasok pa din kahit labag sa loob ko


"Hindi!" Pasigaw kong sagot pabalik kay Justin.


Hindi pa kasi ako tapos mag-makeup. Hindi ko pa nakukulot buhok ko.


"Mauna na kayo—" Dagdag ko.


"Tigilan mo na kakakulot mo ng buhok diyan. Tara na." It was Tita.


Nilingon ko siya. I still have the curling iron wrapped with my hair. Napairap ako nang makitang nakapameywang siyang naghihintay sa akin.


Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Wala e. Siya batas.


"Bro! How's your weekend?" Bati ni Justin sa kaibigan, Jairo.


"Work." Maiksing sagot niya at napatingin siya sa akin.


Alam kong tinitignan niya ang buhok ko. "Don't ask."


"Okay... I won't!"


Nauna sila ni Justin naglakad papunta sa gymnasium to have our P.E. class. While me, palihim akong bumalik sa room namin.


Nakalimutan kong may P.E. subject kami ngayon. Hindi ko nadala tuloy iyong gym clothes ko. For sure, kahit anong tumbling ang gawin ko, hindi ako papayagan ng lecturer namin na mag-practical.


Well... sino bang nagpapractical nang nakapalda sa P.E. class? Baka mamaya maging bold show pa 'yon.


"May nakalimutan ka?" Tanong sa akin ni Cheyenne, classmate ko.


Akala ko kasi wala nang tao sa classroom kaya dirediretso na ako pumasok pero meron pa palang naiwan, si Che. Siya nadatnan ko dito. May kinakalikot siyang kung ano sa bag niya.


"Oo?" I lied.


Iniabot niya sa akin ang susi ng classroom.


"Ikaw nalang ngarod mag-lock ng room. Mauna na ako. Hindi na kita mahihintay. Ayoko kasi malate sa klase e. Strikto pa naman si Sir. Habol ka nalang." Bilin niya sa akin bago kumaripas ng takbo palabas ng room, papunta sa gymnasium.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now