Chapter 5

11 4 0
                                    

- Group Study -

2:00 PM ako ng hapon nagising. Napuyat ako kagabi kakalaro ko ng online games. Gusto ko lang libangin sarili ko para kalimutan ang nangyari kahapon sa orientation.


Clueless talaga ako kahapon at hindi ko alam ang mga gagawin. Paano ba naman e akala ko io-orient lang kami. Schedule namin ibibigay and mga basic na infos. Hindi naman ako nainform na may pa diagnostic exam every subject.


Hindi ko tuloy napaghandaan or what. Though sabi ng guidance counselor, Ma'am Rina, na no need talagang mag-review. Hindi naman daw iyon recorded and they conducted that exam para ma-test lang daw kami if may basic knowledge kami sa mga subjects namin.


I can feel bagsak talaga ako doon. Hindi pa naman ako nakikinig sa klase last school year sa dati kong school. Cutting clases at puro bisyo, barkada ako.


Now, I'm kind of regretting my actions before.


Ayos lang 'yan, Caca. Pwede kang bumawi by advance studying. E ano naman kung bagsak ka sa diagnostic test? Hindi iyon ang sukatan kung hanggang saan lang ang- 'ge, gaslight mo pa sarili mo!


"Bianca?" Mayroong marahang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dalawang beses.


Napilitan akong bumangon mula sa pagkakahilata ko sa kama ko para pagbuksan sino man ito.


Josh?


"Bakit?" Tanong ko sabay hikab.


"Sama ka daw sabi ni Justin? Group study."


Ah... napagutusan 'to.


"Oo. Hilamos lang ako saglit." Pilit ko siyang nginitian bago pinagsarahan ng pinto.


Pagkatapos ayusin ang pagmumukha ko, kinuha ko ang phone ko na nagchacharge. In-unplug ko ang charger after.


Kinuha ko ang scrunchie ko sa may bedside table at saka nag-ipit.


Hindi na ako nagpalit pa. Makikiaral lang naman ako, kunwari estudyante. Bahala na.


Lumabas ako ng kwarto ko na nakapajamas pa din. Suot ko ang fluffy melody slides ko, naglalakad pababa ng hagdan.


Nadatnan ko ang kambal na hinihintay ako. Nakaupo sila sa may sofa sa may living area.


"Hindi ka magbibihis?" Tanong ni Justin.


Umiling lang ako sabay irap. "Pupunta pa ba tayo? Paupo upo kayo diyan..."


"Who said I'm going?" Malditang sabi ni Josh.


E 'di 'wag lang.


Nag-commute kami ni Justin papuntang bayan. Ako lang ang marunong mag-drive sa aming dalawa pero paano ako makakapagdrive kung wala iyong kotse? Kinuha kasi ni Tita, may lakad. Kaya no choice kami kundi mag-tric.


Pumara si Justin sa may tapat ng coffee vibes, sa likod mismo ng school namin. Bumaba na ako ng motor kasunod ni Justin. Siya na din ang nagbayad ng fair.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now