Chapter 3

15 5 0
                                    

- Summer -

"Congrats Justin Josh!!" I shouted and took a selfie with the twins. Pareho silang naka-akbay sa akin at naka-peace sign naman ako.


I attended their recognition ceremony at katatapos lang din ng program.


"Kambal, peram ng medal mo. Pang-pic lang." Natatawang sabi ni Josh sa kambal.


Nagpigil ako ng tawa nang makita ang inis na reaksyon bakas sa mukha ni Justin.


"Mag-aral ka kasi nang mabuti." Rinig ko ang inis sa pananalita ni Justin pero hindi rin niya natiis ang kapatid, ipinahiram din niya ang kaniyang medalya. Lima ito.


Who knows that beside of being the popular kid, matalino din pala si Justin. Sporty pa. Highest honors, special awards and year's best player pa in Football.


"Nag-aaral naman ako nang mabuti e.  Baka conduct awardee 'to." Sagot ni Josh which made me burst out laughing.


Napagdesisyunan kong i-treat ang kambal after ng recognition ceremony. I wanted to treat them somehow and I have the money so why not? Walang masyadong kainan dito. Iyon ang isa sa culture shock ko dito. Turo-turo at mga gotohan, mamihan ang karaniwang meron dito hindi tulad sa Manila.


Mcdo and Jabi nga lang ang fast food restau na nandito e. Pinapili ko nalang ang kambal kung saan nila gusto and sa Jabi daw kaya doon ko dinala ang lahat.


Hindi na rin kami nagpa-gabi pa. Pagkatapos kumain ay agad na din kaming umuwi. Kailangang magpahinga. May ganap pa naman bukas e.


"Hoy bruha!" Rinig kong sigaw ni Tita sabay sabunot sa akin.


Ang pag-aarte kong tulog ay nasira tuloy.


"Tita!" Sigaw ko saka tinanggal ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Ouch ha."


"What if magbihis ka na aneh? Ikaw nalang hinihintay."


I scanned Tita from head to toe. Nakapang-labas na outfit siya. She's wearing a corset and a blue jeans. I can tell that she have heels on. She's much taller than before. Nakasuot din siya ng malaking hoop earrings. And her hair is on curls.


Anong meron?


"Huh?" My mind' still loading.


"We're going out. Remember?"


Natulala ako ng ilang segundo. My mind is loading. Walang signal.


"La Union?" Tita Baby was giving me hints.


Hindi ko pa rin talaga makuha sinasabi niya.


Napairap si Tita. "Magbabakasyon tayo kila Tito Samuel mo."


"OH SHIT?!" Nagpapanic akong bumangon ng kama ko.


Hindi pa nga pala ako nakakapagimpake ng gamit ko?! 2 weeks nga pala kami doon!


"Naimpake ko na gamit mo. Magbihis ka nalang."


Napatigil ako. Hinarap ko si Tita and I flashed a biggest smile. "Love you talaga!"


Tumakbo ako sa kaniya para yakapin siya.


"Oo na. Magbihis ka na gaga! Nagrereklamo na 'yong kambal."


Talaga lang ha?


Dahil doon, mas lalo ko pang binagalan ang kilos ko. Ang usapan na 9:00 AM kami magbibiyahe naging past lunch time.

Runaway GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang