Chapter 4

15 5 0
                                    

- Back To School -

Narinig ko ang tunog ng alarm ko. Inabot ko ang phone kong nasa bedside table ko para i-snooze ito. At nang napagdesisyunan kong matulog muli, narinig ko na naman itong tumunog. 


Nabwisit na ako kasi kahit ilang beses ko itong patayin ay wala talaga. I must have set up multiple alarms last night to wake myself today pero... wala akong paki. 


Dahil sa inis, bumangon ako saglit para kunin ang phone ko at saka ihagis ito kung saan. Narinig ko ang malakas na tunog dahil sa ginawa ko. Tumama ito sa pader and alam kong na-off pa ang phone ko sa sobrang lakas ng pagkakahagis ko. 


I just want to sleep more. 


The next thing I knew, basang basa na ako ng tubig. Bumangon ako sa gulat. My whole bed was drenched in water. 


Nakita ko si Tita na nakatayo sa may gilid, may hawak na isang timba at tabi. 


I was rubbing my eyes nang ihagis sa akin ni Tita ang tabo. Sapul na sapul ang ulo ko na siyang ikinahilo ko ng ilang sandali.


"Bakit ba?!" Inis kong tanong sabay irap. 


"Naku, 'wag mo nga ako iniirapan at ipapakain ko sa'yo itong timba." Bakas ang inis ni Tita sa pananalita niya sa akin. "Ano 'to?"


Hawak ni Tita iyong phone kong basag basag ang screen and for sure pati din ang LCD nito. It looks mess. 


"Selpon." bored kong sagot. Napakamot pa ako sa batok. 


"Anyare?" Tanong niya. 


"Hinagis ko." 


"At bakit?" 


Now, she's interrogating me na ha?


"Nainis ako." I honestly answered. "Natutulog kasi ako tapos tutunog tunog 'yong alarm."


"Sino nag-set ng alarm?"


I was hesitant to answer at first pero pinandilatan ako ng tingin ni Tita. "Ako."


"Pala! You should've muted your phone hindi iyong ihahagis mo." Kalmado na ang tono niya. 


"Ba't mo ako binuhusan ng tubig?" May tono kong tanong. I even crossed my arms against my chest. 


"Kasi madali kang gisingin." She sarcastically said. 


Napairap nalang ako. 


"Get dressed. May orientation kayo ngayon, hindi ba?" Pinaalala sa akin ni Tita. 


Now, I'm getting it. That's why I did set up those multiple alarms!


"Thanks sa paghagis ng tabo." Sumbat ko saka hinimas himas ang noo ko. 


Bumangon ako, mukhang basang sisiw. Naglakad ako papunta sa bathroom to immediately take a bath. As for my bed? Ewan, siguro ipapatuyo nalang sa labas or what. Bahala si Tita. Its her mess not mine to mind. 


I'm on my bathrobe when I went downstairs. Kakain ako ng breakfast of course. Nandito na ang lahat, ako na lang pala ang hinihintay. 


Naupo na ako sa pwesto ko, sa pagitan ni Tita Baby at Justin. 


Tita Baby served me food. She must've felt guilty about sa ginawa niya kanina. I can tell kasi inabutan ba naman ako agad ng brand new flip phone. 


"Thank you." Bulong ko sa kaniya and smiled from ear to ear. 


Inirapan lang niya ako. "Highblood girl." Rinig kong pabulong niyang komento.


Kasabay kong pumasok sina Justin at Josh. Si Justin and nag-guide sa akin what to do. And Josh did his usual thing which is ang mawala.


Dinala ako ni Justin sa may bulletin board ng campus kung saan nagkukumpulan ang mga ilang students. Doon kasi nakapaskil iyong enrollees list and ang mga section.


I have no choice but makipagsiksikan din. I went to look for my name under ng Grade 12 STEM strand. I'm in Class 2B.


Kinuha ko ang phone ko and was about to take photo of the list when someone snatched my phone. Akala ko si Justin pero nang tignan ko kung sino ay si Jai pala.


"What the hell are you doing? Give me back my phone—"


Binulsa niya ito. "Its forbidden to take photos of the enrollees list." Sagot niya agad.


Seeing his face... mas lalong kumukulo dugo ko sa kaniya hindi lang dahil sa ginawa niya kahapon.


"So? Who are you para pigilan ako?" Maldita kong sumbat sa kaniya, halatang nag-aamok ng away.


"Woah... chill lang kayo. Chill!" Its Justin. Inakbayan niya kaming dalawa ni Jai, him in between.


"Don't cause a scene." Bulong ni Justin, dragging us both away from the students.


Umirap ako. "Hand me back my phone—"


Napatigil ako nang kunin ni Jai iyong kamay ko at inis na ibinalik ang phone ko sa akin.


"Welcome." Pilit siyang ngumiti.


Gusto ko lang naman kasi kuhanan ng litrato so I can browse sino ang mga classmates ko and search their names in socmed. Its not that I were to leak the list.


Now, I don't have a clue sino ang mga taong papaligid sa akin niyan.


I pulled the hem of Justin's polo uniform. "What class are you in?" Tanong ko.


"2B." Maiksing sagot niya sabay ngiti.


So, we're in the same class huh? Not bad. At least there's someone around that I'm close with.


"Tara?" Yaya ni Jai.


"Wait what— You're in class 2B rin?!" Napalakas ang boses ko.


Tumango siya. "Bakit, may problema?"


"Oo. I don't want to be in the same class with you—"


"Gusto ko makapili ng seat. Tara na tara na." Pasimpleng awat sa amin ni Justin.


I'll get a seat far away from him.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now