Chapter 13

11 2 0
                                    

- Beauty And The Moron -

After what happened last night, everything's in mess.


Nakakainis. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jairo. Hindi naman sa kinakabahan ako pero parang ganoon na nga.


"Why the hell am I braiding my hair?!" Nagulat ako sa ginagawa kong pag-aayos sa sarili na hindi tulad ng usual kong ginagawa.


Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin ng vanity table ko ng ilang segundo, iniisip kung ano bang nangyayari sa akin. Sinampal ko ang pisngi ng napakalakas dahilan para mamula ito. Gusto ko lang naman magising sarili ko just in case I'm in a dream but wala, this is indeed reality.


Kinalas ko na lang ang mga tirinitas sa buhok ko. It made me look like an untrimmed bush.


No choice ako kung hindi gawin ang bar look ko. I curled my hair to hid the trace of it being braided. Nag-apply ako ng light make-up after.


I was just adding finishing touches on my face, applying a lip gloss in shade ballroom when I heard someone knocking on my bedroom's door.


"Oo na... maganda ka na, Caca! Mapapansin ka ni Jairo ket 'di ka mag-effort, don't worry!" Sigaw ni Justin mula sa labas na siyang ikinapula ng mga pisngi.


Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. I faced him like a charging bull, ready to attack him any time.


"Hindi ako uma-arjud para sa kaniya, okay?" I said with so much anger.


"Chill..." He chuckled.


Sinamaan ko siya ng tingin


"Narinig ko usapan niyo kagabi." Malokong saad niya sabay ng pagkindat niya sa akin.


"WHAT?!" I exclaimed pero tinawanan lang ako ng bwisit.


"Anyway, ganda mo ngayon." Justin smiled at me, his teeth showing.


"Ngayon lang? Araw-araw kaya." Napairap ako kasi nakakainsulto kung i-compliment niya ako. Kahit 'wag nalang sana.


Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Tita, kakwentuhan si Lola. I barely see Lola these days but... I don't really care. Tita Ayeth is also here, the mother of the twins.


Nagtama ang tingin namin ni Tita Baby, siya ang unang nakaramdam ng presensya ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang photocopy machine kung i-scan ako.


Kumunot ang noo niya. "Papasok ka sa school nang ganyan ayos mo?"


Tumango ako kay Tita.


"Himala." I saw a hint of smile forming on her lips.


"Sabay kayo ng kambal?" Tanong ni Tita Ayeth.


Hindi ako sumagot. Napatingin lang ako sa kaniya at nginitian ko lang siya. Wala lang, hindi ko siya trip kausapin kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niya ako abutan ng dalawang libong piso.


"Baon mo." Saad niya at inalok muli ito sa akin.


Kaagad ko naman itong tinaggihan. Hindi kami ganoon kaclose ng Tita Ayeth ko para alukin lang ako ng pera basta basta. Sa tingin ko tuloy sinusuhulan niya ako para makapagtanong tungkol sa kambal tulad ng ginagawa ni Tita Baby kay Jairo--


The hell? Stop thinking about him, Bianca!


Napalo ko tuloy nang wala sa oras ang ulo ko. Natawa si Tita Baby sa ginawa ko. Kilalang kilala niya ako at alam kong alam niya ang rason sa tuwing papaluin ko ang ulo ko. 'Di tulad ni Lola at Tita Ayeth, nagulat dahil sa ginawa ko.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now