Chapter 8

10 3 0
                                    

- Her Addiction -

Dahil kay Jai, nag-improve ako sa pag-i-impromptu. I'm thankful that I agreed what he's asking last night. His honest critiques helped me a lot to achieve a perfect score for our group in presentation of our output.


Naupo ako matapos marinig ang positive comments ng teacher namin sa pagpepresent ko. Nilingon ako ni Jai na nakaupo sa pinakaharap na row. He gave me a thumbs up.


As soon as na-dismissed kami sa 2nd period for morning, agad ko nang nilapitan si Jai.


"Tara canteen. Libre ko." Aya ko kay Jai.


"Out of the blue?" He raised a brow.


"Ode 'wag kung ayaw mo." Tinalikuran ko siya.


Ramdam ko presensya niya sa likod ko. Gusto din naman pala ng libre ko e, pakipot pa. Kunwari pa siya na hindi niya alam ba't ko manlilibre bigla e.


Pagkalabas ng classroom, akala ko susunod siya sa akin pababa ng building pero hindi. Nang lingunin ko siya ay nakita ko siyang dumiretso sa library. Agad ko siyang sinundan.


"Hindi ka kakain?" Tanong ko.


"No. Sayang lang oras ko diyan. I have work to do."


"Seryoso ka ba? Hanggang dito ba naman sa school campus sumasideline ka ng work. Hindi ka ba napapagod?"


"Mind your own business and leave me alone." Dinabugan niya ako ng pintuan pagkapasok niya sa library.


I scoffed at disbelief. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad niya na ka-edad ko lang ay ganiyan kasipag magtrabaho. Ganoon na lang ba talaga sila kahirap sa buhay at ganyan siya? I bet hindi niya maenjoy and teenage days niya.


Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Its Justin.


"Hayaan mo si Jai. Masanay ka na na palaging work ang nasa isip niya."


I shrugged. "Tara canteen."


Sabay kami ni Justin kumain ng snacks. Fries and nuggets nalang binili ko. Nakakatamad na pumila sa loob ng school canteen para tignan anong benta. Nasa student's area kami ngayon, nakatambay. Hindi ko makausap nang matino si Justin and he's too busy having chitchat with everyone.


Wala e, he's the popular kid. Can't change that fact.


I checked my wrist watch kung ilang oras pang natitira sa break namin. 25 minutes pa. Hindi ko na matiis ang pangangati ng kamay ko. Nilabas ko ang isang pirasong sigarilyo na nakaipit sa wallet ko.


Inipit ko iyon gamit ang labi ko habang hinahanap sa bulsa ko ang lighter ko. Nainip na ako kakakalkal sa bulsa ko kaya naman tinanggal ko lahat ng laman ng bulsa ng palda ko at finally, nahanap ko din.


Sinindihan ko agad ang sigarilyo. I blow a smoke after dahilan para layuan ako ng mga katabi ko.


"What the hell are you doing?!" Inagaw ni Jai ang sigarilyo ko. I didn't even know that he's here.


Dahil sa sinabi niya, lahat ng atensyon ng mga estudyante ay napunta sa akin.


"Smoking. Bulag ka ba?" Sinubukan kong agawin sa kaniya pabalik ang sigarilyo ko but he stub out my cigarette in the table and tossed it in the trashcan after.


"Ano bang problema mo?!" Napatayo ako sa inis.


He looks at me with so much disappointment. Hindi niya ako sinagot. May kinuha lang siyang kung ano sa bulsa at inihagis iyon sa akin. Nasalo ko ito because of my fast reflex.


It was a lollipop.


"Use that to control your addiction." He left.


Napairap nalang ako at binuksan ang lollipop. No choice ako kung hindi pagtiisan ito.


"The show' done! Now, fuck off." Attitude kong sigaw sa mga estudyanteng nakiusyoso.


Tumayo ako. Umalis ako at nagtungo sa comfort room ng girls to reapply my lipstick which is in a bold shade of red.


Kita kong pinagtitinginan ako ng mga babaeng nagre-retouch din kasabay ko.


May dumi ba mukha ko?


Natingin ako ulit sa salamin para icheck ang pagmumukha ko. Wala naman akong ibang nakita kung hindi ang ganda ko. Hindi ko nalang sila pinansin at lumayas nalang.


Hindi na ako bumalik pa sa tinambayan ko kanina, sa student's area. Nagtungo na lang ako sa bakanteng bleachers at doon naupo. Nagpalipas ako ng oras, nanonood ng mga naglalaro sa court.


I watched how the students empty the quadrangle going back to their classrooms to attend their next lecture.


Sa hindi kalayuan, nakita ko si Jai na kakababa lang mula sa itaas na palapag ng Building 2. May kasabay siyang teacher at magkausap sila. Pinanood ko lang siya makipagchikahan. Makalipas ang ilang segundo ay humilay siya sa kasama, walking towards me now.


"The class will start soon. Tara na." Aya niya sa akin nang pasigaw.


Nakatayo siya sa tapat ko habang ako naman ay sa pinakataas na bahagi ng bleachers. Hawak ko ang stick ng lollipop ko while intently looking at him.


"Bahala ka." Tinalikuran niya ako saka naglakad palayo, papunta sa senior high building.


Makalipas ang limang segundo, agad akong tumalon pababa ng bleachers. Sumunod din ako sa kaniya as soon as nakita kong nakaakyat na siya sa pangalawang palapag ng building.


"You're both late again in my class?!"


Nagtinginan kami ni Jai. We're both facing the wall right now while being lectured by our angry teacher.

Runaway GirlWhere stories live. Discover now