Chapter 11

13 2 0
                                    

- Regular -

"Bianca!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na narinig kong tumwag sa akin.


Nakita ko si Jai na tumatakbo patungo sa direksyon ko, nakaupo ako sa may bleachers katabi si Aretha. Nag-aya siyang sabay daw kami kumain ngayong healthbreak.


"Hi Jairo—" Jai ignored Aretha who's smiling at him from ear to ear.


"Let's talk." Diretso niyang sabi sa akin, sa akin lang nakatingin.


Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako nang walang pasabi kaya nagulat ako. Napatayo ako sa kinauupuan ko at napalakad nang wala sa oras. Kinalas ko naman agad ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nairita ako.


Why is he acting this way? Ang sakit kaya!


"Susunod ako, okay?" May tonong sabi ko nang pinagtaasan niya ako ng kilay matapos ang ginawa ko.


Dinala niya ako sa likod ng building 2.


"What's the deal, Mister President?" I crossed my arms against my chest at pinantayan ang intensity ng tingin niya sa akin.


"Please... parang awa mo na... makinig ka naman sa akin, Bianca." Nagmamakaawa ang boses niya at napalitan ng pag-aalala ang laman ng kaniyang mga mata na kanina ay puno ng galit at poot.


"What?" I'm confused.


"Layuan mo si Aretha." He said.


"Bakit nga?! She's harmless and mukhang mabait naman siya—"


"You don't know her." Sapaw niya sa sinasabi ko na siyang kinainis ko.


Napaayos ako ng tayo. Sinubukan kong pantayan ang taas niya pero hindi ko magawa because of our huge height difference.


"Ano bang pakialam mo?!"


Napatigil siya sa tanong ko. He blinked twice.


"I care for you."


I can see he's sincere about it but...


"Alam kong bayad ka ni Tita Baby to look after me. You can't fool me, Jairo Vincent."


Tinalikuran ko siya bago pa man siya makapagsalita at saka ako naglakad palayo.


Anong akala niya sa akin, maloloko niya? Never. Pare-parehas silang lahat. They're all paid para magkaroon ng paki sa akin.


Nakakasuka. Nakakadiri.


{Last Thursday}

Naglalaro ako ng roblox, blox fruits, nang makarinig ako nang tunog ng motor sa labas ng bahay. Napasilip ako sa bintana ng kwarto ko para tignan kung sino iyon.

Kita ko ang itim na big bike. Pamilyar ito sa akin sapagkat kay Jairo ito.

I shrugged and itinuloy ko ang paglalaro.

Habang nakatingin sa tablet ko, inabot ko ang baso ko sa may bedside table. Akmang iinom sana ako nang mapagtanto kong wala akong likido na makuha mula doon. Wala na pala akong tubig.

Kahit labag sa loob ko ay lumabas ako ng kwarto para bumaba sa kusina at kumuha ng mainom na tubig.

Sinindihan ko ang ilaw sa may hallway at napakadilim. Habang palapit ako nang palapit sa kusina ay palakas nang palakas ang naririnig kong usapan ng kung sino.

"Wala naman siyang ibang inatupag sa school?" I heard Tita Baby talking to someone.

I sneakily hid on the tinted glass divider while eavesdropping on their conversation.

"Wala po, Tita." It was Jairo's voice.

"Hindi naman siya nag-i-skip ng classes?"

"Nope." Maiksing sagot niya.

"Good. Keep watching her. If you noticed something, pakireport ito agad sa akin."

"That's my job."

Kita ko ang pag-abot ni Tita Baby ng isang envelope kay Jairo at alam kong laman no'n ay pera.


"Bianca, sige naman na oh... pumayag ka na. Ikaw ang pinakamalaking asset ng tennis team if you're one of the regulars." Pagkumbinsi sa akin ni Mebelle, Assistant Manager of the tennis club. "Your play is different and beyond our expectations."


Lakas mag-sugarcoat. Still not enough to convince me to join the club. I attended the tryout just for fun and because Tita Baby insisted. Doesn't mean I attended the tryout, sasali na ako sa club.


"Ayoko." Mariin kong tanggi.


Akala kong titigilan na niya ako pero hindi. Mas lalo lang niya akong kinulit. I have no patience for someone like her who's persistent.


"Fine. I'll do it but in return, let me attend the practice kapag gusto ko lang or... kapag natripan ko."


"DEAL!" Tuwang tuwang sabi niya. She didn't even think about it.


Nagulat ako nang yakapin niya ako nang walang pasabi dahil sa saya. She repeatedly thanked me.


Naiilang kong tinapik ang likod niya.


Ode ikaw na masaya.


"Hatid na kita." Nabosesan kong si Jairo ito, inaabot ang extrang itim na helmet niya sa akin.


Naglalakad ako sa may sidewalk nang harangin niya ako.


I can't say no since I hate commuting.


Agad kong kinuha ang helmet at sinuot ito. I hoped in his big bike and secured my skirt.


"PUTANGINA!" Nasakal ko siya dahil sa takot.


Agad ba naman niyang inabante 'tong motor. Hindi ako nakakapit sa backpack niya at muntik akong mahulog.


"What?!" Iritable niyang tanong sabay lingon sa akin.


"Sandali lang, okay?" May tono kong sabi. "Pinapatay mo ba ako?"


"Sorry."


Ramdam ko sincerity mo. Sobra.


Sa dinami dami ng araw, ngayon pa talaga nagkaroon ng checkpoint sa may danzo. Naharang kami at pinatabi ng mga pulis.


Wala akong alam sa pinaguusapan ng pulis at ni Jairo.


"Anong sabi?" Chismosa kong tanong kay Jairo.


"Wala naman. Tinignan lang lisensya ko." He said.


"Binalik?" I asked, slightly tilting my head to the right with my brows raised.


"Of course." He chuckled. "Tara?"


I nodded.


Tuloy, past 6:00 PM na tuloy kami nakauwi. Oras ko na 'to ng paglalaro ng roblox e.


"Thank you?" Sabay abot ko kay Jairo ng helmet.


Tinanguan niya lang ako.


Sinabit niya iyong helmet sa manibela ng kaniyang motor saka siya umalis, rinig ang malakas na pagharurot ng motor niya.


"May taga hatid at sundo na pala..." Pagkatalikod ko ay si Tita Baby ang bumungad sa akin, nakaabang pala siya sa gate.


Napairap ako. "Stop paying him to watch me."


"That's all I can do para matulungan siya sa mga bills na kailangan niyang bayaran kaya hayaan mo na ako."


"What do you mean, Tita?"

Runaway GirlWhere stories live. Discover now