Chapter 16

13 3 0
                                    

- New Seating Arrangement -

"After ng examination week, intramurals na." Kaswal na sinabi ng adviser namin sa buong klase, Si Ma'am Yenna. "Bale black cat pirates ang theme ng grade level natin. Kailangan natin gumawa ng headdress niyan para sa parade. But for now, focus on your examinations. Mag-review kayo."


"Huwag na mag-exam, Ma'am!" Sigaw ng isa kong kaklase.


"Totoo! Mamamatay din naman." Sigaw din ng isa.


"Kayo... umayos kayo. Graduating students pa naman kayo. Gagraduate nga ba?"


Lahat ay nag-react sa sinabi ni Ma'am. I don't really care. Ang inaabangan kong talaga ngayong homeroom ay ang palabunutan namin para sa bagong seating arangement kasi patapos na ang 1st semester.


"Alright, settle down. Magpalabunutan na tayo para sa bagong seating arangement ninyo, mga bata." Natatawang sabi ng adviser namin.


Sa wakas...


Hinila ni Ma'am Yenna ang drawer sa desk niya. Nilabas niyan doon ang maliit ng bowl, puno ng iba't ibang kulay ng papel na nakatupi.


Nag-umpisa ang palabunutan sa first row, then sunod-sunod na. Tumayo ako sa kinauupuan nang malapit na ang turn ko sa pagbunot. Kasunod ko si Tala.


When my turn to pick a number comes, hinalo ko muna ang mga nasa bowl bago bumunot. I unfolded the paper to see what number I got.


19


Napatingin ako sa screen kung saan naka-ayos ang table kung saan ang numbers ang naka-shuffled.


Makakatabi ko si 35 at 21. Sa harap si 32 at sa likod ko naman si 8. Second row huh... not bad.


"Hello, seatmate." Zyron whispered on my ears which gave me goosebumps. Hindi ko alam nasa likuran ko lang pala siya. 


Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at saka iniharap sa kaniya. Bahagya akong napaliyad ako ng kaunti dahil masyadong malapit ang mukha niya sa akin. Nginisian niya ako. Ramdam ko ang pagtitig niya sa mga labi ko na siyang ikinakaba ko. 


W-what...? 


"Bag mo pakalat-kalat." Ihinarang ni Jai ang bag ko sa pagitan ng mukha namin ni Zy. 


Mabuti naman at naisipan ni Zyron na bitawan ako matapos umepal ni Jai. Kung hindi, baka nailibing ko na siya ng buhay ngayon bago pa man niya gawin ang balak niya. 


"Baka gusto mong--" 


"Akin na nga?!"


Hinablot ko ang bag ko muka sa kaniya. Bakas sa mukha ni Jairo ang gulat dahil sa ginawa ko. Alam kong hindi niya inaasahan na siya ang mapagbuhuntungan ko ng galit kay Zyron.


"Sino ba kasi nagsabi na kunin mo bag ko..." Pabulong kong reklamo. 


"Maglalakad ngarod 'yang bag mo palapit sa'yo?" Pabalang niyang sumbat sa akin. Hindi ko inaasahang maririnig niya ang binulong ko.


Napairap nalang ako. Bitbit ang gamit ko, naupo ako sa tabi ni Zyron. Letche naman. Sa dinami-dami ng makakabunot ng number 35, bakit siya pa. 


"Any violent reaction sa mga seatmate niyo?" 


Nagtaas ako agad ng kamay. "Yes, Miss Ortega?" 


"Ayoko po makatabi si Zyron." Walang pag-aalinlangan kong reklamo sa guro at saka tinignan si Zyron para bigyan siya ng pekeng ngiti. 

Runaway GirlWhere stories live. Discover now