Chapter 1

20 5 0
                                    

- Ding... Dong! -

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Hindi na ako bumalik pa kila George. I decided to stay in Tita Baby's place permanently. Hindi ko naman na kailangan sabihan iyong lalaking 'yon na dito ako kay Tita Baby I mean for what pa? Hindi naman siya ang legal guardian ko kundi si Tita.


"Hindi ka papasok?" Tanong sa akin ni Tita. Nakita niya akong pahiga-higa lang sa may sofa dito sa sala habang naglalaro ng Roblox sa iPad ko.


"Nah." Sagot ko, eyes on my gadget.


"Pumasok ka bukas ngarod." She said. 


"Ayoko. Dropout nalang ako tutal ayaw din naman sa akin ng faculty and staffs doon. Tatambay lang din naman ako ulit either sa OSA or Guidance. Kaya dito nalang ako sa bahay. Parehas lang din naman walang gagawin." Bored ang tono ko, walang gana.


Tinabihan ako ni Tita and offered my some sliced apple. 


"Naririnig mo ba sinasabi mo, Caca? Do you think matutuwa si Mommy mo kapag narinig ka niya?"


Napatigil ako sa sinabi ni Tita at napaisip.


She's right. Mommy wants me to be successful woman in the future. At ang hindi ko pagseseryoso sa pag-aaral might lead me to the exact opposite of Mom's dream for me. 


I shook my head. "Basta da-dropout ako. Next school year nalang ako babawi." 


Napasaktan ako nang kurotin ni Tita ang tagiliran ko. "Iyan gusto mo? Magrepeat? Jusko naman... Bianca, kung kelan patapos na school year saka mo pa maiisipang tumigil."


"I want a new fresh start of my senior high school life kasi, Tita. Reset talaga. I promise, magseseryoso na ako sa pag-aaral. Magbabagong buhay na ako, para sa akin and para sainyo ni Mommy, Tita." Without a warning, I gave her a tight hug. 


"Babawi po ako, Tita." I smiled at her. 


Hinaplos niya ang pisngi ko at binalik ang mga ngiting ibinigay ko sa kaniya. "Are you sure about your decision?" 


Tinanguan ko si Tita. "Yes, sissy--"


Napatigil ako nang marinig ko ang doorbell na tumunog. 


May bwisita ba si Tita?


Napatingin ako kay Tita, confused.


"Tignan mo nga sino." Utos niya sa akin. 


Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay, eyes on my iPad. Kailangan ko kasi ituloy nilalaro ko, Tower of Hell, kung hindi maubusan na naman ako ng time bago ako makarating sa taas. Back to umpisa na naman. Sayang kaya nalagpasan kong level sa obby kung gano'n na lang. 


"Ano po 'yon?" Dumiretso ako sa gate saka ito binuksan. 


"J and T express po. Parcel po ni Ma'am Barbara Colindres." Sagot niya. 


"Barbara daw!" Sigaw ko mula sa gate, naglalaro pa rin. "Parcel mo madam!" 


Nalaglag ako sa obby kaya back to start line ulit ako. Kaya naman nag-leave nalang ako sa server ng game at in-off ang iPad ko. Hinarap ko si Kuya J&T express at nang makita ang mukha niya, halos malaglag ang panga ko sa sahig. 

Runaway GirlWhere stories live. Discover now