Chapter 2

16 5 0
                                    

- Hometown -

"Gumising ka na donya!" Rinig kong sigaw ni Tita downstairs.


Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, nasisilaw sa liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.


Another day para tamarin.


Pagkatapos kong maghilamos at mag-inat, bumaba ako para tulungan si Tita sa pagpeprepare ng breakfast para sa aming anim.


Nadatnan ko si Tita na nagpiprito.


Kasama nga pala namin sa bahay sina Lola Mommy, Tita Ayeth at ang kambal, sina Justin at Josh na ka-edad ko lang.


Dala ko ang mga plato at kitchen utensils, nagtungo ako sa dinning table upang ayusin ito.


May narinig akong yapak ng mga paa mula sa taas and judging from it, alam kong ang mga kambal iyon.


Bumalik ako sa kusina para kunin ang mga nalutong ulam para ihain sa hapag.


Nakita ko si Josh na nakaupo na at handa nang kumain. Parang bata kung maghintay. Nang makita ang dala ko ay nagliwanag pa ang mukha nito na akala mo hindi nakakita ng pagkain.


Samantala, si Justin naman ay minamadaling ibutones ang polo niya. Tinulungan niya kami ni Tita sa paghahain ng pang-umagahan pagkatapos.


Buti pa siya, maasahan. 'Di tulad ng kambal niya, palamunin. It makes me think if sa iisa ba talaga silang nanay galing.


"Good morning pala." Natatawang bati ni Justin sa akin.


Hindi ko siya sinagot. Tinaasan ko lang siya ng kilay.


Tinawag ko na din sina Lola Mommy at Tita Ayeth para kumain nang matapos akong makapagtimpla ng kape ko.


Wala kasi ako sa mood para kumain ng rice.


"I heard you stopped studying, Caca." Lola Mommy opened up a topic.


Tumango lang ako.


"Any violent reaction from your Dad?" Tanong niya.


"Dad who?" Sagot ko.


Nagulat ako nang may naramdaman akong sumisipa sa paa ko. Napatingin ako kay Tita Baby na sumesenyas sa akin na ayusin ko ang pagsagot ko.


Napairap na lang ako. "Ano pa bang aasahan ko kay George? He's too busy making out with his side chick."


Napabuntong-hininga nalang si Lola Mommy, sign of disappointment.


"Enroll on our school, Bianca." Singit ni Justin. "I'm willing to help you with your—"


"No, but thank you. I can handle myself."


Tumayo ako at umalis sa hapag bago pa sila matapos kumain.


Akmang aakyat na sana ako pabalik sa kwarto ko nang marinig kong tinatawag ako ni Tita.


"Ampay?" Bored kong sagot habang naglalakad patungo sa kaniya.


"Sama ka? Hahatid ko 'yong kambal."

Runaway GirlWhere stories live. Discover now