Chapter 14

10 3 0
                                    

- Mr. Pikon -

"Where do you want to eat?" Tanong sa akin ni Jai. 


Kakalabas namin ng school campus to eat lunch outside. 


"Ikaw bahala." Sagot ko. 


Pinuntahan namin ang motor niyang naka-park sa parking space sa labas ng school allotted for students na may dalang transpo. Hindi ko na hinintay pang ibigay niya sa akin ang spare helmet niya, ako na mismo ang kumuha nito sa black box ng motor niya. 


Sumakay siya sa motor saka in-start ang engine nito habang abala ako sa pag-aayos ng buhok ko. Tinali ko ito into ponytail bago sinuot sa ulo ko ang helmet. Ni-lock ko ito bago umangkas sa likod ni Jai. 


Walang dalang bag ngayon si Jairo kaya wala ako makapitan. Nilagay ko nalang ang kamay ko sa bulsa ng pantalon niya. Its weird. No choice naman ako. Wala kasing bulsa ang suot niyang baseball jacket.


"God..." He sighed. 


Inalis niya ang kamay ko sa magkabilahang bulsa ng pantalon niya. He wrapped my arms around his waist. Akmang magpo-protesta ako nang magsalita siya.


"Kakapit ka o malalaglag ka?" 


Natahimik ako sa sinabi niya. Sabagay, kung magmaneho nga pala siya akala mo siyam buhay niya. Daig pa pusa. 


Dinala niya ako sa Tarlac, partikular sa Mall. Ilang minuto lang ang naging byahe namin. Lagpas ba namna ng isang daan patakbo niya. 


"May bibilhin ako sa NBS kaya dito nalang tayo sa mall kumain. Is that okay with you?" 


"Oo." Maiksing sagot ko. 


Nang maipark ni Jai ang motor sa parking lot, bumaba na ako agad sa pag-kakaangkas sa kaniya. Kaagad kong tinanggal ang helmet para maghabol ng hininga. Hindi ko alam pero the whole ride namin papunta Tarlac e parang nalagutan ako ng hininga. 


Napatingin sa akin si Jai. "Okay ka lang?" 


"Mukha ba?" Sarkastikong sumbat ko. "Bagalan mo naman magmaneho. Makakarating din naman kasi tayo dito e." 


Bumaba siya sa pagkakasakay ng motor at tinanggal ang helmet niya.


"I'm not sorry." Sagot niya na siyang kinainis ko. 


Ni-lock ni Jai ang ulo ng motor niya at binitbit niya ang helmet papasok ng Mall. Tinanong ko siya kung bakit dala niya ito at sabi niya baka daw mawala at hindi naman daw kasi kasya ang dalawang helmet sa black box ng motor niya. 


Sinundan ko si Jai, mas nauna siyang naglalakad. Mas mahaba ang biyas ng paa niya e kumpara sa akin. Marami kaming nadaanan na food restaurants pero above all, ang nakaagaw ng pansin ko ay ang Tokyo Tokyo. 


Ewan pero nang mapadaan kami doon ay para bang nag-crave ako ng ramen. 


"Jairo!" Tawag ko sa kaniya. 


Napatigil siya sa paglalakad ang he waited for me to catch up. 


"Bakit?" Tanong niya, nakakunot ang noo niya. 


"Doon tayo sa Tokyo Tokyo kumain." I said, lowkey begging him to agree. 


Akala kong hihindi siya ay agad siyang um-oo. I skipped walking papunta sa Tokyo Tokyo while he followed me around like he's my babysitter. 


As usual, kani-kaniyag bayad kami sa pagkain na inorder namin. Gustuhin ko man na ilibre si Jai pero ayaw niya. Mapride siyang nilalang. He can pay for his own meal daw. 

Runaway GirlWhere stories live. Discover now