Chapter 15

12 2 0
                                    

- Family? -

"Bianca!" That voice...


Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zyron na tumatakbo palapit sa akin.


"Accept mo naman na friend request ko. Please?" Pagmamakaawa niya sa akin.

Ilang araw na niya akong binubulabog tungkol dito. Kahit na, hindi ko pa rin ia-accept iyon. Mas matigas pa ako kaysa bato.

"No." Tugon ko at tinalikuran siya.

I threw the tennis ball in the air and hit it as hard as I can using my tennis racket. Yes, nasa gitna ako ngayon ng laro and this idiot don't mind it, malapitan lang ako.

"Will you please leave the court, Mister De Gracia!" Sigaw ni Mebelle.

Pero syempre, tulad ng inaasahan ko, hindi ito nakinig. Naupo ito sa malapit sa net at pinapanood akong maglaro.

I asked my bench coach for timeout after kong makuha ang isang set sa laro namin ni Jairo. Yes, he do play tennis. Ngayon ngayon ko lang din nalaman. Mabuti nalang um-attend ako ng training ngayong sabado.

Hindi ko din inaasahan siya ang nagtalaga na magkaroon ng tennis club ang school. He's the president of the club, obviously.

Pinuntahan ko si Raven, my bench coach, one of the regulars. Katabi niya ang mga gamit ko.

"May mali ba sa raketa mo?" Tanong ni Ate Raven.

"Wala Ate. May gagawin lang."

"I hope you won't do this in real match, aneh?"

Tinanguan ko na lang siya bilang pagsang-ayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng duffle bag ko at inopen ito kaagad. Binuksan ko ang facebook app at mabilisang ni-log in ang account ko. Nagpunta ako sa friend requests saka inaccept si Zyron.

Napatingin ako sa kaniya matapos no'n. Nakita kong kinuha niya ang phone mula sa bulsa ng shorts niya. Mukhang na-receive na niya ang notification ukol doon.

Binalik ko ang phone ko sa bag saka pumasok ng court.

Hindi ko maiwasang tignan si Zyron. Kita ko ang tuwa sa mga mata niya. Mukhang nalaman na niyang in-accept ko siya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya and finally, he left the court happily skipping around like a kid.

"What did you do?" Tanong ni Jai.

"Accepted his friend request as he demanded."

"Anyway, let's continue." Saad ni Jai na may halong paghahamon.

I feel the excitement traveled in my body dahil sa sinabi niya.

By the end of our match, he won. But its okay, malilibre naman niya ako ng kahit ano tulad ng usapan namin bago ang laro.

Kaagad akong nagtungo sa bench para magpunas ng pawis. Nilagay ko ang raketa sa bag ko at saka dali-daling nagtungo sa shower room ng girls para maligo sandali.

Nagpalit na din ako ng damit after. Simpleng white t-shirt lang at light blue maong short ang suot ko. Sinuot ko sandali ang sapatos ko at tinali ang sintas nito bago ko tinupi at inayos ang pinagbihisan kong damit.

Sinuklay ko ang basa kong buhok saka nag-spray ng pabango ko. Wala naman na akong iba pang nadalang pang-arjud ko kaya sinara ko nalang ang bag matapos no'n. Sinuot ko ang nag-iisang bracelet watch ko.

Kinuha ko ang phone ko na nakapaibabaw sa sink at ibinulsa iyon. Sinabit ko ang duffle bag sa balikat ko after at saka lumabas. Nadatnan ko si Jai na nakasandal sa pader na nakaligo at bihis na din, hinhintay ako.

Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon