Chapter 10

10 2 0
                                    

- Pair -

"Hindi ko alam sumulat ng editorial." Pag-amin ko kay Jai.


"I know how." He said. 


Then ikaw na magaling. Napairap ako.


Nasa bahay kami ngayon. Gagawa ng mini transfer namin which is ang pagsulat ng isang editorial. By twos ang paggawa nito at, siya ang nakapartner ko... again.


"Brain snack niyo." Its Tita Baby. 


Naglapag siya ng isang supot ng KitKat sa center table at isang bowl ng mani saka niya ako nilapitan. 


"Tulungan mo si Jai." Bulong niya sa akin. 


"Oo." Sagot ko, pabulong. 


Um-oo nalang ako kahit hindi ko naman alam paano ako makakatulong kay Jai sa paggawa ng editorial e hindi nga ako marunong sumulat no'n e. 


Pagkaalis ni Tita, agad kong kinuha ang isang supot ng KitKat at binuksan iyon. Nag-umpisa kong papakin ito habang tinitignan lang si Jai. 


He's doing a research. Hindi ko alam para saan iyon. 


"Do you have any suggestions?" Ibinaling niya ang tingin sa akin na busy kakalamon ng chocolate. 


"Suggestion saan?" Tanong ko.


"Topic natin sa editorial." He answered. 


"Uh... Inflation?" Sinabi ko nalang basta kung ano ang unang pumasok sa utak ko. 


Napatango-tango siya at bumalik sa kinakalikot niya sa laptop. Masyado kaming magkalayo kaya hindi ko makita nang maayos kung ano ang ginagawa niya kaya naman umusog ako nang kaunti sa tabi niya para makita nang maayos ang screen ng laptop. Hindi ko naman kasi gusto maging giraffe. 


I watched him open the wps office on his laptop and create a blank document. He typed our grade and section first then name namin. 


Maraming konsyumer ang umaaray sa taas ng mga bilihin sa merkado!


After niyang ma-i-type ang title ng editorial namin, he started explaining what's editorial all about. Kaagad ko namang naintindihan ang pagpapaliwanag ni Jai sa akin. Simple lang kasi ang pagpapaliwanag niya sa akin. 


Because of him, nakapagsulat at natulungan ko siya sa pagsulat ng editorial namin. Hindi naman kasi ito komplikado. Opinionated ito. 


Madali lang namin itong natapos. Natagalan lang naman kami dahil sa akin e. Mas madami ang kain ko kaysa gawa. 


"Justin!" Tawag ko sa pinsan ko, pasigaw


Agad naman siyang lumabas ng kaniyang kwarto. Nagtatanggal pa ng muta. 


"Oh?" 


Kinuha ko ang laptop ni Jai at naglakad ako patungo sa kaniya para salubungin siya. Iniabot ko sa kaniya ang laptop ni Jai.


"Print mo document. Short ha." I smiled at him and tapped his shoulder twice. 


"Tamad." 


Nag-comment pa, ginawa din naman niya inuutos ko. Wala e, 'di niya ako matiis. 


Kinuha ko ang remote ng T.V. bago ako naupo muli sa tabi ni Jai. He's eating peanuts while reading something. Napakasipag na nilalang. 


"Why are you with Aretha kahapon?" He opened up a conversation. 


"Ewan. Bigla nalang niya ako nilapitan." Sagot ko, not taking my eyes off on the T.V.


"Don't befriend her."


"No'ng isang araw mo pa sinasabi sa akin 'yan. Ba't? Ano bang meron kay Aretha?"


"You don't want to know."


Today's Saturday. Dapat wala akong ganap ngayon kasi wala naman pasok e pero kailangan ko pumunta ng school. May training ng tennis. Inannounce sa group chat ng buong Grade 12.


I do long tennis before. Nakapag-play na ako sa isang tournament pero I gave up on my passion dahil kay George.


He was the one who taught me how to play tennis... no'ng meron pa si Mommy.


Naglalaro pa rin naman ako ng tennis pero kapag natripan ko lang tuwing nabo-bored ako.


Nalaman ni Tita ang tungkol sa tryout dahil kay Justin and she persuaded na magpunta daw ako sa training para naman daw may pinagkakaabalahan akong physical activity hindi iyong pahila-hilata lang ako sa bahay, puro tablet at phone.


Wala akong nagawa kung hindi pumunta nalang din. Sa tagal ko nang naglalaro ng long tennis, I've come to love the sport itslef kahit na it reminds me of that old geezer.


"Si Tita?" Tanong ko kay Justin nang madatnan ko siya sa sala, nanonood ng Netflix movie.


"Umalis na." He answered without taking his eyes off the T.V. sabay kain ng burger.


Napahampas nalang ako sa ulo ko. Sinabihan ko naman si Tita na hintayin niya ako e at sasabay ako sa kaniya. Lalabas din kasi siya at may lakad siya kaya makikisabay na sana ako pero nilayasan na pala ako. Tsk.


No choice tuloy ako kung hindi mag-abang ng motor papuntang bayan.


Ilang minuto na akong naghihintay ng masasakyang motor pero wala pa rin talagang dumaraan sa kalsada. Sa sobrang tahimik nga, naririndi na ako.


Napagdesisyunan kong lakarin nalang iyong pinakamalapit na toda dito sa amin. Sa may kanto lamang naman kasi ito paglabas ng nagcaycaysa street.


Tiniis ko ang init ng araw. Nakapag-apply naman ako ng sunscreen pero nakakabahala pa rin. Sa tingin ko kasi nasunburn na ako. Wala pa naman akong gamit na payong.


Sa 'di kalayuan, tanaw ko na ang toda. May nakita akong kumakaway sa akin na kung sino. Tumango-tango na lang ako. At tama nga ang hinala ko, tricycle driver itong naghahanap ng pasahero.


Sinalubong na niya ako, dala ang tricycle niya para isakay ako. Pumasok na akong agad at ang init nga ng tirik ng araw.


"Kuya, sa bayan po." Sinabi ko sa tric driver.


Pagkadating sa main gate ng school, nakita ko agad si Jai, kausap ang guard, kasama ang isang member ng scout's club na nakasuot ng uniporme ng mga boy scouts.


Bumaba ako ng motor saka nagbayad. Hindi na ako nag-abala pang kunin ang sukli. Dumiretso na agad ako sa RFID para mag-tap ng ID ko.


I know Jai but I just don't like greeting him so casually. Ano kami, friends? Never.


Pumunta ako sa room 531 sa building 5 kung saan magaganap ang meeting ng mga balak mag-tryout for long tennis.


I've met the advisers in charge with this sports which is si Sir Kennethe and Ma'am Erila. I find them interesting lalo na si Ma'am Erila. She told us the story on how she won a tournament back when she's on her teenage days. That's a huge achievement that I want to gain someday.


After the 1 hour meeting, nagproceed kami sa quadrangle to start the tryout. I was doing the warm up routine given to us by Sir Kennethe nang makita ko si Jai na papalapit, naglalakad patungo sa kinaroroonan namin, sa quadrangle.


Nakita kong naupo siya sa bleachers, kasama pa rin ang boy scout guy kanina.


"Okay... We will draw lots para sa tryout game later. Everyone, show us what you've got and we will decide sino pasok sa kukunin na 7 regulars ng tennis team."

Runaway GirlWhere stories live. Discover now