Chapter 7

11 3 0
                                    

- Hatid -

Each group must create an illustration showing the significance of minerals to us and to our society. Start your work." Instructed by our Earth Science teacher, Miss Joey.


"One representator will report your output next meeting." Dagdag niya.

Child's play...

Wala akong ginawa buong oras na ibinigay sa amin para gawin ang output. Pinanood ko lang sina Jai at Justin na halos makuba kakadrawing nang nakaupo sa sahig.

Yes, they're my groupmates. What a coincidence hindi ba? May nahalo lang sa aming dalawa, sina Che at Nika. Bale, five kami.

Habang ako nasasabaw dito, sina Che at Nika naman ay busy sa pagsusulat ng script ng kung sinong magpepresent next meeting.

"Tagal pa ba 'yan?" Tanong ko matapos maghikab.

Napatingin silang apat sa akin nang masama. Akala mo e inaaway ko.

"What?" Mataray ko pang tanong.

"Wow... eto na madam, teka lang aneh?" Sarkastiko ang tono ni Jai.

"Hindi ikaw tinatanong ko, Ser." Inirapan ko siya.

"Laki ng tulong mo." Parinig ng isa.

"Sorry naman. Ano ba gagawin?" Pabalang kong tanong.

"Gagawa daw tayo ng illustration ng kahalagahan ng minerals sa atin. Then irereport daw natin ito next meeting which is bukas." Maiiging inexplain ni Nika sa akin nang mahinahon.

"I know." Iritable ang expression ng mukha ko nang magkatitigan kami. "Hindi ako slow and I can understand English. What I mean is ANO ang matutulong ko for now kasi inako niyo naman lahat ng work e. Wala naman nagdivide ng mga work natin. Nobody stand as the leader. You all just started the work. Ni hindi ko alam saan ako lulugar e."

"Then do the reporting, insan." Sagot ni Justin sabay ngiti sa akin.

"What?!" Napatingin sa akin ang lahat nang napagtaasan ko ng boses si Justin.

"No worries kung hindi ka marunong magreport. Ginagawa naman na namin ng script ang representator. All you have to do is memorize all of this then-"

"How is it called reporting when it's scripted?" Pambabara ko kay Nika.

"Interesting..." Rinig kong bulong ni Jai kaya napatingin ako sa kaniya.

"Can you do it without a script?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Umapaw ang pagiging competetive lalo na at si Jai ang nagtanong.

Siya lang naman kasi ang isa sa mga students na candidate for the highest honor this school year.


I saw a smirk on his face when I glanced at him one more time.


"Uwi ka na?" Tanong sa akin ni Justin habang nagliligpit ako ng mga gamit ko.


Katatapos lang ng last period namin which is 21st Century Literature. Naiwan nalang dito sa classroom ay ang mga officers at cleaners.


"Oo." Sagot ko sa pinsan.


"Hindi ako makakasabay sayo pauwi. May meeting kami sa org e." Paliwanag ni Justin. "Si Jai nalang muna bahala sa'yo."


Agad ko siyang hinarap para sana magreklamo pero bago ko pa nagawa ay tinalikuran na niya ako saka tumakbo na palabas ng room.

Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon