Chapter 07

97 8 1
                                    

CHAPTER VII : The Bloody Forest

MABIGAT ang ulong bumangon ako mula sa pagkakasalampak sa lupa. Pinagpagan ko pa ang pisngi ko na nadikitan na ng dumi dahil sa tagal ng pagkakadapa ko rito. Sinubukan kong ilibot ang tingin ngunit wala rin itong kwenta dahil sobrang dilim ng paligid. Wala akong makitang kahit na ano, maski anino o kung ano pa man. Mukhang naririto parin ako sa gubat kung saan ako iniwan ng mga estudyante kanina.

Dahan dahan akong tumayo at nag inat ng braso bago tumingala sa itaas kung saan wala rin ako makitang kahit na ano. Inis na napapadyak ako sa lupa bago kinapa ang paligid ko, nagbabakasakaling makahanap ng kahoy o bato na maaaring makagawa ng apoy. Mabuti nalang at pinilit ako ni Dad noon sumama sa mga camping activities ng school noong elementary at high school. Doon ay napilitan akong mag aral kung papaano makakagawa ng apoy dahil kung hindi ay wala akong kakainin sa buong araw.

Nang makakuha ako ng mga sanga sa paligid ay kaagad ko na itong pinagkiskis sa gitna ng dilim. Mabuti nalang at hindi basa ang mga sanga dahil kaagad na itong lumiyab matapos ang ilang segundong pagsubok ko. Hinubad ko ang blazer na suot ko at ipinulupot 'yon sa dulo ng isang malaki at mahabang sanga. Hindi ko maiwasang mairita dahil kakatahi ko palang ng blazer na ito!

Muli akong tumayo bitbit ang apoy na nagawa ko. Ang kailangan ko namang gawin ngayon ay hanapin ang daan papalabas sa libo libong puno na nasa paligid ko.

"You can't kill me by leaving me in this stupid forest assholes," bulong ko sa sarili habang tinatahak ang hindi ko siguradong daan.

Kung didiretsuhin ko ang daang ito ay baka sakaling makalabas ako mula sa gubat na ito. That's right! Kailangan ko lang magdire diretso, lahat naman ng gubat ay may dulo hindi ba? Isang beses na rin akong naligaw sa gubat, 'yon ay noong kasama ko si Dad at ang mga relatives namin sa side ni Mommy. Naligaw ako at halos lumipas ang tatlong oras bago ko natunton ang dulo ng gubat. Pasalamat ako na mayro'n sasakyang dumaan noong makalabas ako. That was the scariest moments in my childhood but it is also a proof that I'm awesome. I should stay positive and I'm sure I'll be able to find my way out.

But I can't. Halos mag iilang oras na akong naglalakad at nagsisimula na ring sumakit ang mga paa ko. Nakakaramdam na rin ako ng lamig dahil mukhang malalim na ang gabi. Kahit saan ko itutok ang apoy ay walang ibang makita kung hindi ang nagtataasang mga puno. I can't see any signs of exit. Nagsisimula na ring mamuo ang takot sa'kin.

"What's that?" kunot ang noong naiusal ko nang makarinig ako ng mahinang kaluskos mula sa likuran ko. Nang tapatan ko naman ito ng apoy ay wala akong nakitang kahit na ano bukod sa mga puno.

"Is there anyone here? Hello? Help me!" pagsubok ko dahil baka isa ito sa mga estudyante na naisipan lang tumambay dito sa kagubatan.

Naghintay ako ng ilang minuto bago nagpakawala ng malalim na paghinga at nagpatuloy na sa paglakad, ngunit kaagad akong napatigil nang marinig kong muli ang mas malakas pang kaluskos at mga yabag mula sa mga tuyot na dahon sa lupa.

I don't like this. Muli akong lumakad ngunit muli ring umalingawngaw ang mga kaluskos. Habang mas binibilisan ko ang paglakad ay mas bumibilis rin ang mga yabag sa mga tuyot na dahon na tila ba hinahabol ako nito. Bigla akong tumigil at mabilis na iniharap ang apoy na hawak ko sa'king likuran. I was stunned and my hands began to tremble.

"Oh my God," mahinang naiusal ko habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mga nilalang na ilang hakbang na lamang ang layo mula sa'kin.

Mukha itong mga aso—ngunit may malalaki at kulay pulang mga mata na sa tingin ko ay pito o walo yata ang bilang sa parehong ulo. Dalawa ang ulo nito habang naglalaway ang malalaki at sobrang tulis na mga pangil na tila kayang kaya makapatay ng anumang nilalang na masusunggaban nito.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now