Chapter 16

69 5 0
                                    

CHAPTER XVI : Wandering Soul

MABILIS akong tumalikod nang magtama ang tingin namin ni Sage. Mukhang napansin 'yon ni Portia na akmang paakyat na sa aming karwahe ngunit lumiko ito at natatawang nilapitan ako.

"Are you still mad at him?" nakangiting tanong ni Portia bago nito palihim na sinilip si Sage mula sa likuran ko. I let out a deep sigh.

"Who? I don't know him." Tuluyang tumawa si Portia dahil sa naging tugon ko.

"He looks uncomfortable with you being mad. No one ever made him that way Rana, what did you do to our president?" saad pa ni Portia. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niyang 'yon at sumakay na sa karwahe.

Kaninang umaga ay nabigyan nanaman ng quest commission ang council. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi kasama ang kambal na si Ajira at Quin dahil may ibang trabahong ipinagawa sa kanila ang grandmaster. Kaya naman ako, si Portia, Mishka, Sage, at Edzel lang ang patungo ngayon sa kaharian ng Genesis. The kingdom with no king or queen. The kingdom where Soheila originally came from.

"What's the mission about?" I asked when everyone is inside the carriage. Sinadya ko talagang hindi tingnan ang nasa harapan kong si Sage dahil naiinis parin ako sa ginawa niya sa akin no'ng ball. Hindi naman ako totally naiinis, ayoko lang siyang pansinin.

"A little boy disappeared after calling his magical spirit. His mother assumed he was taken to neuma," Edzel answered. Kaagad na kumunot ang noo ko.

"Isn't that—"

"Yes, the realm of magical spirits." Mishka continues.

"Paano tayo makakapunta sa Neuma? Isn't that forbidden? The process of making the portal is forbidden right?" sunod sunod na pagtatanong ko.

"We won't be making the portal, that will lead us in immediate execution. Though, we have a great summoner among us, we can trust Sage on that one. He can call the little boy's magical spirit and ask the whereabouts of the kid." Tumango ako at ibinalik na sa bintana ang tingin. Gusto ko sana usisain si Sage patungkol sa gagawin niya pero minabuti kong manahimik at hindi siya pansinin. I'm still mad, my goal today is to stay mad until he say he's sorry and beg for my forgiveness.

Ngunit parang malabo pa sa malabong mangyari 'yon dahil nang makita niya ako kanina ay nilampasan lang niya ako na para bang hindi niya 'ko nakita. How dare he!

Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa 'kin ang sinabi ni Fennec sa ball. He doesn't sound like someone blabbing stupid stuffs around. Ang tono niya ay puno ng babala na tila kinakailangan kong sundin. He's still a mystery for me. Sa tagal kong nananalagi sa Vern, kahit kailan ay hindi ko pa ito nakikita o nakakasalubong. Not even in the cafeteria or whatever. Ako ang tipo ng tao na madaling makakilala ng itsura, siguro dahil sa estado ko bilang si Rana. Everybody knows me and I'm surrounded with politics. It is my duty as the Mayor's daughter to be familiar with every face I was introduced into. Kaya gano'n na lamang ang pagtataka ko sa Fennec na 'yon.

Who is he and why did he told me those things? What does he mean the history must repeat itself?

"I can manage," masungit na bulong ko nang alalayan ako ni Sage pababa sa carriage. Iba kasi ang karwaheng gamit namin ngayon, mas mataas ito kaysa sa madalas naming gamitin.

Napanguso ako nang tumango ang lalaki at tinalikuran nga ako. Hindi man lang ako pinilit!

"Are you gonna stand there forever?" Inirapan ko si Edzel sa kan'yang tinuran mula sa likuran ko. I jumped out of the carriage and follow the others.

Hindi ko alam kung bakit pamilyar sa katawan ko ang ihip ng hangin. Siguro ay dahil ito ang lugar kung saan isinilang at nakatakda dapat na mamuno si Soheila. Hindi ko rin maiwasang matigilan sa mga taong nasa paligid. Mga payat, madudumi, at tila kulang na kulang sa buhay. Ang mga kabahayan ay napapalibutan ng mga damo at lumot naman sa mga pader. Tila isa itong abandonadong lugar, the main city of Genesis is a home of poverty. Isa na rin siguro ang kawalan ng namumuno rito, wala rin mula sa ibang kaharian ang sumusubok na tumulong sa mga ito. People from genesis are banned from entering another kingdoms, they're caged inside their own motherland.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now