Chapter 09

101 6 0
                                    

CHAPTER IX : First Mission

MALAKAS na binuksan ko ang pinto ng council. Naagaw ko tuloy ang pansin ng masungit na si Sage. Kunot ang noo nitong nag angat sa akin ng tingin sa tila ba handa niya na akong pangaralan dahil sa pagtakbo ko sa hallway. Kaya naman bago pa niya ako pagalitan ay inilapag ko na sa mesa niya ang mga tinapay na nalimutan kong iabot kahapon. Dumiretso na kasi ako sa kwarto at natulog agad nang makabalik kami ni Mishka.

"Eat it. Gaganda ang araw mo," nakangising saad ko. Bumaba naman ang tingin niya sa balot bago ibinalik sa'kin ang tingin. He's giving me a suspicious look!

"I bought that yesterday! I ate the half but I left you some. Be grateful." Tumalikod ako at nagtungo na sa mesa ko. Napairap pa ako nang makitang tambak parin ng papel ang lamesa ko.

"I need the papers—" mabilis na naputol ang sinasabi ni Sage nang bumukas ang pinto ng council. Nginisian ko siya bago naupo sa upuan ko. No Pup, you don't need anything.

Mula sa pinto ay pumasok si Mishka, Portia, at Edzel. Kaagad na sumimangot ang mukha ni Edzel nang magtama ang mata naming dalawa. He look as if he's questioning my existence in this room. Kaya naman ngumisi ako at itinuro sa kan'ya ang name plate sa mesa ko. Hindi makapaniwalang kinulbit niya sa balikat si Portia.

"We received the letter. Did you approved it?" nangibabaw ang boses ni Mishka sa buong silid. Pinagmasdan ko ang pag alis ni Sage sa suot niyang salamin at ang pag angat niya ng tingin kay Mishka.

"Yes. It looks urgent, we must go at midnight," Sage replied in his monotone voice.

"I'll make everything ready then," Mishka said.

"Are we going with this brat?" biglang sabat ni Edzel habang nakaturo pa sa direksyon ko.

"Why? What is it about?" I asked innocently. Parang sila lang naman kasi ang nakakaalam ng kung ano mang pinag uusapan nila.

"We received a commission," si Mishka ang sumagot.

"What kind of commission?" tanong ko pa habang iniisa isa ang mga itong tingnan. Sage gave me a dont-bother-asking look.

"It is forbidden to talk about it inside the academy," dagdag ni Portia. Tumango naman ako at pumangalumbaba.

"Is it dangerous?" I asked.

"Definitely," Mishka replied. Ngumiti ako at nag thumbs up sa mga ito.

"I'll pray for you guys, have a safe trip!" naka ngisi at puno ng sinseridad na saad ko.

—**—

Tell me what the hell am I doing in this carriage with these people?

Portia, Mishka, Sage, Edzel, and the twins, Ajira and Quin. Lahat ng mga ito ay mahihimbing ang tulog bukod kay Sage at sakin. Hindi ko alam kung papaanong napilit ni Edzel kay Sage na isama ako sa misyon nilang ito. I just want to stay inside the academy, safe and sound!

"Stop making funny expressions as if you're going to die," bulong ni Sage sa harapan ko. Siya kasi ang nasa harapan ko habang sa tabi niya ay si Edzel na katabi rin si Mishka. Sa hilera ko naman ay si Portia at ang kambal.

"I'm going to die, you shouldn't have made me come." Tila naluluha nang sumbat ko rito habang binibigyan ito ng masamang tingin.

"You can stay and hide in the carriage."

"I'm scared but I'm not a coward!" pabulong na asik ko. Ngumisi ito bago ibinalik sa bintana ng karwahe ang tingin.

Mahigit isang oras din ang itinagal ng aming biyahe patungo sa isang village, sa kaharian rin ng Hatorica. The village looks gloomy not just because it's almost midnight. You can feel the emptiness of the village as soon as you reach the consecutive stone houses. There's an eerie feeling about this place that I can't even explain.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now