Chapter 10

95 7 0
                                    

Chapter X : Lost in The Village

NAGBUNTONG hininga akong naupo sa hagdan ng isang bahay. I can't find everyone, not even Mr. and Mrs. Deuce. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko. Why the hell did I fell asleep?! Damn it!

Wala rin ang kutsero na siyang nagdala sa amin rito. Hindi naman ako marunong magmaniobra ng karwahe kaya hindi rin ako makakabalik sa Vern—right, if Sage and the others went back without me, they should've used the carriage. Hindi naman siguro sila kulang kulang para lakarin ang ilang oras na biyahe para lang lokohin ako.

Something must've happen while I'm asleep. Inilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabilang gilid ng sentido ko. I need to think!

"Oh thank yo—AH!" malakas akong napatili nang may kamay na nag abot sa akin ng isang sobreng kulay puti. Mas nagulat pa ako nang tumambad ang kulubot na mukha ni Mrs. Deuce sa mismong gilid ng mukha ko.

"Mrs. Deuce!" masayang pagbati ko, tumayo pa ako dahil sa wakas ay may nakita na rin akong isa sa mga hinahanap ko. Kaagad akong natahimik nang ilagay nito ang hintuturo sa tapat ng kan'yang labi na tila ba pinatatahimik ako. Lumikot ang kan'yang mga mata bago ako hinila papasok sa isang bahay.

"What's going on? Nasaan ang mga kasamahan ko?" tanong ko nang maingat na maisara ni Mrs. Deuce ang pinto sa kan'yang likuran. Itinuro niya sa akin ang sobreng hawak ko na siyang ibinigay niya kanina.

"This?" I asked and she immediately nod as if she's in a hurry. Nagbuntong hininga ako at kinuha ang papel sa loob ng sobre. Binuksan ko ito at kunot ang noong binasa ang mga katagang nagpakilabot sa akin.

NASA KAN'YA ANG MGA KAIBIGAN MO.

"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ko. Kinuha niya ang papel mula sa kamay ko at naglabas ng isang lapis mula sa bulsa ng kan'yang bestida. Lumapit ako rito nang magsimula siyang magsulat sa papel.

DINALA NIYA ANG MGA ITO SA KAN'YANG PUGAD.

"Sino?" tanong ko.

ANG AKING ASAWA.

Napasinghap ako. "Siya rin ba ang may kagagawan sa mga ito?" tanong ko na tinutukoy ang magulong bahay.

Tumango siya at nagsimulang tumulo ang kan'yang mga luha.

PATAYIN NINYO SIYA. HINDI NA SIYA ANG AKING ASAWA, PINATAY NIYA ANG MGA TAO RITO MAGING ANG AMING ANAK, PINUTOL NIYA ANG AKING DILA.

"P-paano ko sila mahahanap?" Muli itong yumuko at nagsulat.

SA AMING TAHANAN AY NAROON ANG KAN'YANG PUGAD.

Tumango ako habang kagat ang ibabang labi. "Kailangan niyo magtago, huwag na huwag kayong lalabas hanggat hindi ito natatapos, naiintindihan niyo?"

Tumango sa akin ang matanda. Nagbuntong hininga ako at lumabas na ng bahay. Natatakot ako, sobra. Pero hindi ko yata kakayaning iwan ang mga kasama ko. I know I'm a bit selfish when I was Rana, but damn. My conscience can't accept it if those six will die. Especially Portia, and my puppy. Ito na yata ang responsibilidad ng isang furmom.

Nagtungo ako sa karwahe para kuhanin ang ilang mga gamit ko at ng mga kasamahan ko. I can't bring all of their weapons so I decided to bring a sword, and some potions that can add stamina and mana. Mabigat man sa loob ko na tunguhin ang lungga ng halimaw dahil ayoko pang mamatay ay wala naman akong pagpipilian. It's better to fight a real monster instead of facing six vengeful souls. Iniisip ko palang na pepestehin ako ng kaluluwa ni Edzel gabi gabi ay nababaliw na ako.

"Omygosh please tell Daddy I love him so much," bulong ko bago dumadagundong ang pusong pinasok ang tahanan ng mag asawang Deuce.

Pagpasok ko pa lang sa sala ay kaagad ko nang sinipit ang ilong ko gamit ang mga daliri. Masakit sa ilong ang masangsang at mapangheng amoy na nanggagaling sa hindi ko matukoy na bagay. Sa likuran ng hapagkainan ay mayro'ng pinto patungo sa palikuran, doon ay naaninag ko ang isang malaki at nakakadiring bagay na nakadikit sa pader. It's black, slimy, and sticky. May bula bula pang lumalabas rito na tila nagiging dahilan ng masangsang na amoy.

Samsara of the Divine Punishment Où les histoires vivent. Découvrez maintenant