Chapter 30

64 3 1
                                    

Chapter XXX : The Sinful God

Unang lumapat ang tungki ng sapatos na suot ko sa ibabaw ng tubig. Unti unti ay lumubog ito at agad na nilamon ng malamig na pakiramdam ang kabuuan ng talampakan ko. Herno let go of me and fly away from the flower. Inilipad ako nito mula sa lupa patungo sa gitna ng Anamnesis o ng malaking bulaklak sa gitna ng lawa. Sabi nito ay kinakailangan kong ilubog ang halos kalahating parte ng katawan ko sa tubig ng bulaklak. I must let the Anamnesis wrap me with its water for it to be able to dive deep into my connection from the past.

Pinanood ko si Herno maupo sa dulo ng lawa, ilang metro ang layo sa akin. Katabi nito ang isang babaeng faeri na may maikling buhok na umaanot lamang sa kan'yang baba. Both of them are watching me as if they're already used in this situation.

Sinikap kong huwag makagawa ng kahit na anong reaksyon na magpapakita ng pagpapanic ko nang makita ko ang unti unting pag angat ng mga talulot ng bulaklak sa gilid ko. Mabilis na binalot ng kaba ang puso ko nang maramdaman ko ang tila bagay na kumapit sa paa at parehong kamay ko mula sa ilalim ng tubig. I can no longer move an inch! The flower continue to close and I'm starting to be scared.

"Don't worry, young lady. The Anamnesis will need to trap you inside it for you to see the answers you wanted to find. Calm down and don't be scared." Narinig ko ang boses ni Herno mula sa labas ng ngayon ay tuluyan nang nakasaradong bulaklak.

Medyo nabawasan ang takot ko dahil sa sinabing 'yon ni Herno. Ngayon ko lang rin napagtanto ang gintong liwanag na nagmumula mismo sa tubig ng bulaklak, ito ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon para makita ang bawat detalye ng mga talulot ng bulaklak. The petals are shimmering with micro crystals. The glimmers are somehow blinding me and forcing me to close my eyes. Nang subukan kong imulat ang mga mata ko ay hindi ko na ito magawa pang muli. My legs submerged in the water suddenly became numb, tila nawalan ako ng lakas sa buong binti ko kaya naman hindi ko ito napigilan sa pagbaluktot. My legs bent and it made my whole body, including my head, sink in the depths of the now, very deep unknown water. Tila nawala ang inaapakan ng mga paa ko kanina lamang. Para akong nahulog mula sa malalim na parte ng karagatan at wala na akong lakas pang natitira para lumangoy.

My eyes remained close with my body floating beneath the water. I can feel my lungs starting to beg for air and my heart throbbing faster than the usual. I can't breathe, I can't move, and I am slowly losing my consciousness.

__**__

My eyes immediately start roaming the place, looking for a familiar thing I to see. But no matter how hard I try, there is nothing in front of me aside from the towering trees inside a forest. I have no clue what time it is already but I am certain the sun is about to rise by the look of the sky with a dark shade of blue, mixing with a shade of lighter blue, and a golden light coming from one direction. Tumayo mula sa pagkakaupo ang aking mga binti at nagsimula itong tumakbo ng mabilis. I am wearing a long, and flowy dark blue dress sprinkled with glitters on its skirt, and with a see through bell sleeves. Maingay ang bawat pagtakbo ko hindi dahil sa mga naaapakan kong tuyot na dahon mula sa lupa kung hindi dahil sa ilang mga susi na gawa sa purong ginto ang siyang nakasabit mula sa ginto rin at manipis na kadena sa aking beywang.

Isang bagay ang napagtanto ko habang matulin ang ginagawa kong pagtakbo sa gitna ng nagtataasang mga puno. Kahit nararamdaman ko ang bawat paglapat ng walang saplot kong mga paa sa patay na dahon mula sa lupa, ang hangin na siyang sumasalubong at yumayakap sa aking katawan at mukha, at ang paghampas ng iilang hibla ng kulay puti at mahaba kong buhok sa aking pisngi, napagtanto ko na hindi ko nagagawang makontrol ang bawat pag galaw ng sarili kong katawan.

It moves on its own, decide to go anywhere on its own, the only thing I could do in this body is to watch what this body is looking at. That's when I realize what's happening.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now