Chapter 17

70 6 1
                                    

CHAPTER XVII : Fire Lady

NAGBUNTONG HININGA ako nang maupo sa tabi ko si Sage. Dala niya ang paborito kong Strawberry Juice na mukhang binili niya pa bago kami umalis ng akademya. Ang buong akala ko ay ibibigay niya 'yon sa akin matapos niyang itusok ang straw ngunit laking gulat ko nang dalhin niya 'yon sa kan'yang bibig at simulang sumipsip rito.

"I thought you hate strawberries?" Malaki ang pagtatakhang tanong ko. Nilingon niya naman ako gamit lamang ang mata bago sumandal sa punong kinasasandalan ko rin.

It's almost midnight. We still have an hour before the magic circle start to completely stabilize. Pare parehong nagdesisyong magpahinga at umiglip ang tatlo naming mga kasama para sa gagawing pagsummon mamayang ala una. Hindi naman ako gaanong napagod sa biyahe kaya hindi na ako dumalo pa sa sleeping party nila. Mas minabuti kong ngumuya nalang ng tinapay habang pinanonood ang bawat pagsayaw ng hangin sa apoy ng sigang ginawa ni Edzel kanina.

"You should sleep," mahina at malumanay na saad ni Sage. Nilingon ko ito at pinanood ang ginagawa niyang pag sipsip sa straw.

"I'm not exhausted. Ikaw dapat ang magpahinga, you're the one who will summon the spirit."

"I'm sorry about last night. You look really great in that dress, it was a shame not being able to take you to dance." Naramdaman ko ang mabilis na reaksyon ng puso ko sa sinabi nito. My heart is pumping blood faster than the usual, as if I was running for a mile. If this continue, I might find myself in cardiac arrest in a minute.

Inilingon ko sa kabilang gilid ko ang ulo ko upang hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko at ang nagbabadyang ngisi sa labi ko. Ito ang unang beses na nakarinig ako ng magandang bagay mula sa bibig niya, hindi ko maiwasang kiligin because duh? That's the great Sage. I cleared my throat and I was surprised that I miraculously able to calmed myself.

"That's fine. I danced with someone." Mayabang na sabi ko. Akala ba niya ay hindi ako makakahanap ng ibang kasayaw? Sa ganda kong 'to?

"With who?" tanong pa niya.

"With a handsome student." Hindi ito sumagot at tumayo mula sa gilid ko. Pinanood ko lamang ang pag ikot nito upang maharap ako. Nagtatakha namang tinitigan ko ito dahil hindi ko alam ang kung anong bagay na tumatakbo sa isip nito. He raised one of his hand on his waist while the other remained hanging beside him. Until unti ay napansin ko ang pagliwanag ng paligid dahil sa isa isang pagsilay ng maliliwanag at maliliit na insekto sa kan'yang gilid. Those are fireflies.

"Then let me atone myself for not showing up, would you like to dance?" he asked out of nowhere. Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito bago inilibot ang tingin sa paligid.

"D-Did I heard you right? You want to dance?" I asked and slowly, he nodded.

I bit my lips to refrain myself from smiling. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para magbati na kami o sadyang wala lang siyang pang palipas oras ngayong gabi. Tumayo ako at tinanggap naman ang kan'yang kamay. Bahagya pa akong nagulat sa lambot nito.

"Be honored, a lot of guys has been dreaming to dance with me," nakangising saad ko na sinuklian niya naman ng maliit na ngiti.

He started to place one of his hand at the back of my waist while the other one is holding one of my hand firmly, as if he doesn't want to let go of it. Wala naman ako ibang mapaglagyan ng isang kamay ko kaya dinala ko na lamang 'yon sa kan'yang balikat. He started the rythm of our dance and I quickly followed.

"You have a clean glass skin, do you use rejuvenating soap and toner? What's your secret huh?" Taas ang isang kilay na bulong ko rito. Bahagya namang tumabingi ang ulo niya at kumunot ang noo na parang pilit iniintindi ang simpleng sinabi ko.

Samsara of the Divine Punishment Where stories live. Discover now