Chapter 1

724 8 0
                                    


CHAPTER 1

Hindi niya maiwasang mapangiti nang makitang nagkukulitan ang dalawa habang binibihisan ni Ilham ang anak nila. Wala itong trabaho sa araw na iyon kaya nagpumilit ito ang mag-aayos sa anak nila samantalang alam naman ni Gelle ang mag-ayos mag-isa. Kakatapos lamang niyang magluto nang agahan nila ngunit heto nga't hindi pa tapos ang mga ito. Ngayon ang planong mamasyal ni Ilham  dahil hindi sila matutuloy sa linggo sa family bounding nila sa kadahilanang may pupuntahan ito sa Davao.

Ganito talaga si Ilham simula noon. Kapag alam nitong hindi sila matutuloy sa family bounding dahil sa trabaho nito, he will advance it. Walang linggo na na-c-celebrate nila iyon. Nakagawian na nga.

“Kayong dalawa talaga, ang kukulit. Babe, finish it already. Lalamig ang pagkain sa baba.” Kinuha niya ang backpack ni Gelle ngunit mabilis iyong inagaw ni Ilham.

“Babe, ako na. Chill ka lang muna diyan. Ayokong nagbubuhat ka ng mabibigat.” Napatawa siya sa sinabi nito.

"Gelle's bag isn't heavy at all. It just has her clothes in it, Babe." She remarked, shaking her head in amusement.

He pouted his lips then look at her. “Still no.”

Bumuntonghininga si Haera at tumango na lang. Kapag talaga magkasama silang dalawa  ay ayaw nitong nakikita siyang nagbubuhat nang kahit anong may kabigatang bagay. Nasubrahan na yata ito sa pagiging over acting. Mabuti na lang at hindi namana iyon ng anak nila.

Wala silang ginawa kundi ang hintayin ang mga itong matapos. Pagkatapos nitong isuot ang sapatos ni Gelle ay binuhat nito ang anak nila.  Malaki na ang anak nila but here he is, treating her like a baby. Nagrereklamo na nga ang bata pero wala naman siyang magawa dahil masyadong matigas ang ulo ng ama nito.

“Daddy, stop carrying me! I'm big girl now, I know how to walk na po eh,” Their little princess said while looking at her Dad. “I can do everything na po, Daddy. I can fix my things and bath myself. I'm not a baby na kaya, Daddy.”

Daddy's girl din ito. Kaya kung ano ang gusto ng ama hinahayaan na lang din nito. Ilham give everything to her but she's not that spoiled brat. Tinuro talaga nila ang dapat at hindi para dito. Naerra Gelle Pratama is a sweet and generous girl.

Nagtatampo na nga siya minsan dahil nagiging kamukha na ni Gelle ang ama nito. Pero madalas ay ibang mukha ang nakikita niya dito. Ni wala itong nakuha mula sa kanya maliban sa kulay nito at maliit nitong labi.  Thankful lang talaga siya na hindi pati ugali namana nito kay Ilham. Baliw pa naman ang ama nito.

"You'll always be my baby princess. Daddy will carry you even though you're old.” Ilham murmured as he held Haera and helped her down the stairs.

Hindi tulad ng iba, kahit pitong taon na si Gelle ay maliit pa rin ito. Ang height niya ay talagang masasabi mong she's just five or four years old. Hindi niya alam kung saan nito namana iyon, pareho naman silang mataas ni Ilham. However, Ilham once told her that Gelle might have inherited this trait from his grandmother, whom she never met, as she passed away when he was in college.

“Hayaan mo na ang Daddy mo, anak. He's always busy, minsan niya lang nagagawa iyan sa'yo.” Hinawakan niya ang kamay ni Gelle habang naglalakad sila patungo sa kusina.

“But Mommy, I'm seven years old now...”

Ngumiti siya at umiling. “It's okay, baby.”

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now