Chapter 33

108 3 0
                                    

CHAPTER 33

Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon.

“Take them to your house,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. "Just come see me later here. Let the kids rest for now. I will stay here and find Ilham." Without waiting for a response, she exited the car.

Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.

“Mrs. Pratama,” someone called him.

That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito.

“W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumapit sa kanya ang isang may katandaang babaeng doktor ay iyon agad ang tanong niya.

The doctor nodded. "I'll take you to him." As Haera followed, the doctor spoke, "I planned to call you two weeks ago as his condition worsened... but he stopped me. He didn't want you to know his state since you were still recovering from your own ordeal," the doctor said with a stern expression.

Haera looked down, tears streaming down her face. She composed herself, not wanting to appear weak, especially in front of Ilham, knowing he would worry.

“I... I only found out yesterday. If I hadn’t overheard Mom, I might still be clueless about Ilham's condition even now.” She bit her lower lip, trying to hold back a sob.

Malungkot itong tumingin sa kanya. Nang tumigil ito sa isang exclusive room ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Natatakot siya sa posibleng makita sa loob ng kwartong iyon. She's not ready seeing Ilham behind that door. She's not ready seeing him laying on that hospital bed, dying.

“Let's go, Mrs. Pratama?” Nilingon siya ng doktor ngunit bahagya siyang umiling.

Papakalmahin muna niya ang sarili bago ito harapin, baka kung ano pa ang masabi niya sa fiance. Lahat pwede nitong itago at ilihim sa kanya ngunit ang bagay na iyon, ay hindi.

Hinawakan siya ng doktor sa braso at nginitian, its her way to say everything will be okay. Binubuksan nito ang pinto.

“Ilham, I have a surprise for you.” Dumeretso ang matanda habang hila siya.

Seeing him lying there, Haera's lips trembled. As she watched, Ilham slowly opened his eyes. Their gazes met, and he blinked several times, as if trying to ensure he wasn't dreaming.

"Your wife is here. I didn't call her, so I kept my promise. She knows," the doctor said, leading Haera closer to Ilham's bed.

“B-Babe?" Ilham managed to call out, his voice weak and lips pale.

Pinasadahan ni Haera nang tingin ang fiance niyang ilang linggo din na nawala. Nabawasan na nga ang timbang nito, hindi na ito katulad noon. Namumungay ang mga mata ay namumutla ang labi. Hinang-hina na siyang nakahiga doon, nakita niya iyon na kahit pagbangon ay nahirapan na ding gawin kung walang umaalalay.

She didn't speak but moved closer and gently embraced him. She cried, burying her face in his neck.

“Ilham...” she cried and cried.

Naramdaman niya ang pagtaas ng mga kamay nito patungo sa kanyang likuran at ulo, marahan na hinaplos iyon upang patahanin siya. Dahil sa ginawa nito ay lalo lamang siyang napaiyak. Matagal bago siyang tumahan. Paulit-ulit niyang narinig ang paghugot nito nang malalim na hininga.

Cage the Truth [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin