Chapter 29

106 3 0
                                    

CHAPTER 29

“Yes, I remembered you and the kids. Ngunit limitado ang alam ko, Ghon.” Kumuyom ang kamay niya at sunod-sunod na pagtulo ng kanyang luha. “Its miracle that I remembered you kasi ang alam ko permanente ko ng makakalimutan ang lahat ng alaala ko. Pero alam mo kung ano ang mas masakit, Ghon? Na sa lahat ng pwede kong maalala sa simula ay ang pagkawala pa ng unang anak ko. Ang anak ko na naging lakas ko sa lahat ng pagsubok at hinanakit na pinaramdam mo!” She tried her best not to shout at him.

Masakit para sa kanya ang nangyaring iyon. Iyon ang unang alaala niya na naalala niya habang wala siyang malay. Halos iyon ang naging dahilan kung bakit gusto niyang sumuko. Kung hindi lang niya narinig ang mga boses ni Ilham, ni Gelle at ng mga mata ay gugustuhin niyang sumuko na upang makasama ang unang anak niya.

“Hindi ko pa man naalala ang ilang dahilan kung bakit nawala siya ay alam ko na. Alam ko na ikaw din ang dahilan no'n. Lore told me that she was the reason why my child gone. Pero hindi naman niya iyon gagawin kung hindi dahil sa 'yo. Galit na galit ako, ni ayaw kong makita kang kasama ng mga anak ko. Natatakot akong baka sa susunod, sila naman ang balikan ni Lore. Hindi kita mapapatawad kapag may mangyari sa kanila. Huwag kang umasa na wala akong gagawin sa inyo kapag nangyari iyon!” mariin at matalim niyang wika.

Natigilan naman ito. Nakita ni Haera kung paanong dumaan ang sakit sa mga mata nito. He's hurting because of what he said.

“Wala ka bang nararamdaman sa 'kin, Rain? Didn't you love me anymore? Pakiramdam ko dalawang beses kang mawawala na sa akin sa puntong ito,” malungkot nitong wika at akmang lalapit ng bantaan niya ng tingin. “What happened, honey? May nagawa ba ako noon sa 'yo—”

“You asking me that, Ghon, really? Sa nangyayari ngayon sa buhay ko, hindi pa ba iyon ang sagot sa tanong mo? A-Alam mo sa sarili mo kung ano ang nagawa mo... dapat ba akong hindi magalit sa 'yo kung dahil sa 'yo muntik na akong mamatay? Sa ikalawang pagkakataon, muntik na Ghon at dahil iyon sa babae mo!” Gigil na gigil siya, gustong sumigaw sa galit ngunit ayaw gawin dahil kay Ilham.

Umiiyak na mariin niyang ipinikit ang mga mata. Marahas na pinunasan ang mata at malamig na tumitig nito.

When Ilham move a bit ay napatingin silang pareho dito. Gumalaw ang kamay ni Ilham at kinapkap ang kama niya, looking for her hand.

They saw how his forehead creased when he didn't find her hand. Kaya bago pa itong magising ay hinawakan niya ang kamay nito.

Ramdam na ramdam ni Haera ang pagod nito. She think Ilham was taking care of her all the time, baka hindi ito nakatulog ng maayos dahil sa kababantay sa kanya.

Habang iniisip ang mukha nito habang nagbabantay sa kanya sa isang buwan na iyon ay namamanhid ang buong pagkatao niya.

She feel the pain of her heart. Ang sakit isipin na masyado itong napagod at nasasaktan dahil ang tagal niyang magising.

“Yes, I still have a feelings for you. Nararamdaman ko pa rin iyong nararamdaman ko sa 'yo. My heart beat faster than normal everytime I see you. Pero iyong spark? Since I meet you in the hospital, wala akong nararamdaman no'n, Ghon.” Umiling siya at lalong tinitigan ang natutulog na mukha ni Ilham.

She heard Ghon sighed heavily. Alam niyang masasaktan niya ito sa sasabihin niya ngunit kailangan nito iyon. He need to know what she was feeling that time. Mas mabuti pang malaman nito agad kaysa ang umasa pa itong babalikan pa niya ito.

“I'm so confused. Kasi habang nararamdaman ko iyon sa 'yo ay nararamdaman ko din iyon kay Ilham. Pero kay Ilham ko naramdaman ang spark na hindi ko nararamdaman sa 'yo. Litong-lito ako sa nararamdaman ko, totoo, pero someone make me realized everything.” She remembered all Ilham did to them, sa kanilang mag-ina.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon