Chapter 20

83 6 0
                                    

CHAPTER 20

Habang naglalakad sa mall ay hindi maiwasang matigilan ni Haera nang makita ang tatlong bulto ng bata na nakaupo sa upuan malapit sa Arcade. Nakatingin sila sa mga taong dumadaan papasok sa Arcade. Bahagya siyang lumapit ng hindi napapansin ng mga ito. Ang tatlong batang Angeles. Ghon's kids.

Hindi niya alam kung bakit naroon sila. Mukhang may hinihintay. Iniwan ba sila saglit ng Daddy nila doon? Marami pa namang nakatingin sa kanila. Siguro dahil mayaman at kilalang tao ang Daddy nila.

May ilan ngang lumapit at nagpa-picture sa kanila ngunit kapag may tumatangka ay may humaharang sa mga ito. Haera saw some men in black meters from the kids, she's sure that its their body guard. May ilan naman na malapit, sila ang humaharang sa mga taong lalapit sa mga bata.

“We should go inside now, Ate Luna. Iwan na lang natin si Yaya, for sure she will just meet her boyfriend here kaya siya matagalan,” Sircto said in a bored way.

Napanguso si Aisleigh at sumang-ayon sa kambal. “Sircto is right. Kapag ni-wait pa natin siya mamaya pa tayo makakapag-play.”

Bumuntonghininga si Luna at wala na magawa. Tumango ito at sabay silang tumayong tatlo. Bago pa sila makapaglakad ay hinarang na niya ang sarili sa daanan ng mga ito. Gulat na tumingala ang mga ito sa kanya. Nang makita siya at kuminang ang mga mata.

Sinulyapan niya ang body guard ng mga ito ngunit naroon lang naman sila sa puwesto nila. Bakit hindi siya hinarangan ng mga ito. Tuloy ay marami siyang nakitang masama ang tingin sa kanya. May nagbubulungan kahit rinig din niya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito.

Bahagya siyang yumuko upang mapantayan ang mga ito. “Where are you going? Bakit kayo naghihintay sa labas ng Arcade. Maglalaro ba kayo?” she asked confusedly.

“We gonna play there, Mommy,” sagot ni Aisleigh habang nakaturo sa loob ng arcade.

Sumikip ang dibdib niya ng tawagin siyang gano'n ng mga ito. Laging nangyayari iyon kapag tinatawag siya ng mga batang ito ng Mommy. Nalilito siya sa nararamdaman kapag kaharap ang mga ito. Pakiramdam niya ay may kailangan pa siyang alamin sa mga ito.

“Where is your Dad? Kayo lang ba ang pumunta dito? Paano kung may mangyari masama sa inyo? Hindi kayo maaaring lumabas na kayong tatlo lang. Maraming bad guy sa lugar natin,” mahabang litanya niya na kinatango ng mga ito ng paulit-ulit, animo'y susunod sa ano mang sasabihin niya.

“Daddy have a meeting, mamaya pa siya matatapos kaya we go here na lang. Kasama naman po namin si Yaya at mga body guard ni Daddy,” Luna said while scanning the crowds, looking for someone. “We don't know where Yaya is, she said she will just go in the bathroom but until now she's not here.”

“I know she's meeting her boyfriend. I saw her once talking with a guy,” Aisleigh interrupted.

Hindi alam ni Haera kung bakit bigla siyang nakaramdam ng paghihinala sa Yaya ng mga ito. Luminga-linga siya. Wala naman siyang napapansin.

“Okay, sasamahan ko muna kayo sa loob habang wala pa ang Yaya niyo. Aalis na lang ako kapag dumating na siya,” she said.

They pouted, “Well, hopefully Yaya won't come back yet.”

Narinig niyang sabi ng kambal ngunit hinayaan na lamang siya. Mabuti na lang at tapos na ang pakay niya sa mall kaya may oras din siyang samahan ang mga ito. At ayaw naman niyang iwan ang mga bata. Habang tinitingnan ang mga mukha nila habang naglalaro ay hindi niya maiwasang mapangiti.

They're happy. Habang naglalaro ay sumusulyap ang mga ito sa kanya kaya ang ginawa niya ay lumapit sa mga ito at sumali. Hindi inaasahan ni Haera na mas sasaya pa pala siya sa araw na iyon. Sinubukan nila ang iba't ibang laro sa arcade. Kung naroon lamang sana ang anak niyang si Gelle ay sigurado siyang mas sasaya sila. Hindi na namalayan ni Haera at ng mga bata ang oras. Ni hindi nila napansin na nakabalik na ang Yaya ng mga ito. Naroon ang ito sa tabi ng bodyguard ng mga bata at nakatayong nakatingin sa kanila.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now