Chapter 22

79 5 0
                                    

CHAPTER 22

Habang hawak ang kamay ni Ilham ay hindi maiwasan ni Haera na mapaisip kung ano ang ibig sabihin ng kanyang napanaginipan. Sobrang bilis, naghalo-halo ang mga salita kaya hindi niya maintindihan.

Kakagising lang niya mula sa pagkakaidlip sa tabi ni Ilham, hawak ang kamay nito at nakapatong lamang ang ulo sa hospital bed na hinihigaan nito.

“Rainnance Verdadero, will you marry me?”

“I love you, wife!”

“Eat more, ang ganda at payat mo.”

“I want a three mini you. Lahat kamukha mo.”

"Honey, I'm coming home. I miss you so much.”

“Tame. Tame ang pangalan ko. I don't want to heard that name.”

“I'm Tame Azarcon. At wala akong ibang asawa kundi si Lore lang.”

“I'm sorry but I just only want my Lore. Siya lang ang mahal ko at mamahalin pa. Makaalala man ako o hindi, siya pa rin ang pipiliin ko.”

"Sleep, honey. Babantayan ko kayo."

“I won't let you sleep in the couch. It's my baby too so I won't let my child sleep there. Sa kama tayo.”

"Your father is the reason why the plane I was on exploded."

“Mommy, are thinking Angel again? Can you introduce me to her soon po? You told me that you will introduce me to her, Mom,”

“I love you so much, Rainnance Verdadero!”

Bigla siyang nagising kaya naputol ang panaginip niyang iyon ngunit bakit pakiramdam niya totoo iyon. Na nangyari na iyon sa buhay niya. Nasa malalim na pag-iisip si Haera ng marahas na bumukas ang pinto. Bumaling ang tingin niya roon.

Nagmamadaling pumasok sa loob si Wize, natataranta. Nilibot niya ang paningin hanggang sa matuon iyon sa kanya. Kinakabahan ang mukha nito kaya dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ni Ilham at lumapit dito.

“Bakit? What happened?” Haera asked confusedly.

“Si Luna...” Hindi mapakali ang mga mata nito kaya tinapik niya.

Umusbong ang kaba sa kanya ng marinig ang pangalan ni Luna. Takot sa anong mangyari dito ay hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Wize at mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto ni Ilham. Mabuti na lamang at ilang kwarto lang ang pagitan ng dalawa kaya agad siyang nakarating doon.

Nasa pinto pa lamang siya ay rinig na ni Haera ang pagwawala ni Luna kasabay ng boses ni Ghon.
Mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok doon.

Nakita niya si Luna na nagwawala sa hawak ng Daddy niya. Pilit kasing niyayakap ni Ghon ang anak niya upang siguro ay pakalmahin ito. Walang pagdadalawang-isip na tinulak niya si Ghon. Galit naman na binalingan siya nito at nang makitang siya iyon ay lumamlam ang mga mata nito, animo'y pagod.

“Pinaalalahanan na kita kanina, but you ignored it. Sinabi ko kapag nagising siya ay huwag mong lapitan!” Lumapit siya kay Luna at niyakap ito na agad naman gumanti ng yakap sa kanya.

“Mommy, h-he gonna touch me!” takot na takot ito, nanginginig habang nakabaon ang mukha sa kanyang dibdib.

“What the hell is happening? What happened to her? Bakit...” Napaangat ang tingin niya kay Ghon.

Kunot ang noong napalingon kay Wize na umiling lamang sa kanya. Ibig sabihin ay wala itong sinabi sa kaibigan tungkol sa kapagayan ni Luna. Kaya ito lito at nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ni Luna nang hawakan nito.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon