Chapter 36

231 2 0
                                    

NOW PLAYING

“The Hardest Part of it is Goodbye by Amiel Aban

       .ılılılllıılılıllllıılılllıllı
    0:24 ─●──────── -2:56
↻      ◁ II ▷     ↺

CHAPTER 36

After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.

Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.

“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.

Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.

“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.

Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang humagulgol sa harap nito.

“Babe...” he whispered softly but she shook her head.

“Ilham please,  not this day. I-Its our day, Ilham,” pigil ang luhang tumingin siya sa labas ng bintana.

Bahagyang natulala pa. Nang tumigil ang limousine ay muli siyang bumuntonghininga kasabay no'n ang pagbangon ni Ilham mula sa balikat niya at pagsinghap nito. Agad niyang binuksan ang pinto nang kotse at mabilis na lumabas doon. Tumingin lamang siya sa binata nang makalabas siya.

“Ilham, hindi ko pa kaya...” Bago pang tumulo ang kanyang mga luha at dumating na si Ghon.

Nagtatakang tumingin ito sa kanilang dalawa bago lumapit kay Ilham at inalalayan ito. Dumating din ang doctor at tiningnan ang kalagayan nito.  Bumuntonghininga ang doctor at nilingon siya.

Umiling siya at naglakad papasok sa bahay nila kung nasaan ang reception. Nang salubungin siya ng Mommy niya ay agad niya itong niyakap.

“Mommy, I'm not yet ready. Natatakot ako, M-Mommy. I don't want him to leave me yet. Not now, please.” Umiyak siya sa balikat ng kanyang Ina.

Hinaplos naman nito ang kanyang likuran. “A-Anak, alam kong masakit... mahirap ang maiwan ng taong minamahal pero Ilham was waiting all along. Ilang taon din siyang lumaban para sa 'yo. Its the time to let him go and rest,” malungkot at naiiyak na saad ng Ina.

Iyon na nga ang kinatatakutan niya. Ang sayang naramdaman niya kanina ay panandalian lang. Kung gaano kabilis siyang sumaya ay ganoon din kabilis no'n babawiin sa kanya. Didn't she deserve to be happy forever?

Iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya ngunit iyon din ang pinakamasakit. Kahit ayaw mo ay walang kang magawa kundi ang pilitin ang sarili na malayain siya... na hayaan na ito.

“P-Paano kami, Mom? P-Paano ang anak namin? I can't take care Gelle alone.”

“We are here, baby, we will help you.”

Pero gusto niyang kasama si Ilham. Gusto niya iyong sabihin ngunit nang tinapik ng Mommy niya ang kanyang likuran ay lumayo siya at mabilis na pinunasan ang kanyang luha.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now