Chapter 6 Under Revision

97 4 0
                                    

CHAPTER 6

Pagkatapos naming maligo ay umakyat na kami sa kwarto namin. Bagsak na nakatulog agad ang mga bata nang matapos magbanlaw. Nag order na lang din ng pagkain si Craine sa kwarto dahil hindi din namin sila maiwan dito. Kaming tatlo na lamang ni Nanay at Craine ang gising. Pagkatapos namang kumain ay nauna nang matulog si Nanay.

"Gusto ko sanang pumunta doon sa mini bar sa rooftop." Nakangusong lumapit sa akin si Craine at hinawakan ang kamay ko. "Samahan mo ako, please. Hindi naman tayo magtatagal."

"May mini bar sa taas?" nagugulat kong tanong na kinatango niya.

Dahil na din sa kuryosidad ay sumama ako sa kanya. Pagdating sa taas ay nabigla ako. Totoo ngang may mini bar doon. May swimming pool din sa gitna. Hinila ako ni Craine patungo sa kung saan. Hindi ko iyon napagtuunan ng pansin dahil patuloy akong namamangha sa nakita.

Maraming tao doon. May naliligo at sumasayaw sa isang gilid kung saan may roong umiilaw doon. Umawang ang labi ko nang may makitang naghahalikan sa pool. Akma na akong iiwas doon nang may bigla na lamang na humarang sa kanila para hindi ko makita. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin at nangunot ang noo nang makita siya ulit.

He was looking at me intensely. Na para bang pati kaluluwa ko ay binabasa na rin niya. May kakaiba akong nararamdaman kaya bumuntonghininga ako at tinalikuran siya. Umupo ako sa stool sa tabi ni Craine. Agad naman niyang ibinigay ang may kalakihang baso na may lamang alak.

Inamoy ko iyon at napangiwi na lang dahil sa tapang ng amoy nito. "Hindi ako umiinom nito, Craine. Saka ayaw ni Ilham na umiinom ako na wala siya. Paano kapag nalasing ako? Mahirap na." Bahagya kong nilayo ang baso.

Bumungisngis si Craine sa harap ko. "Don't worries, I'm here."

Umiling ako. "I didn't trust you when it come to this. I'm here ka diyan. Anong magagawa mo kung lasing ka din mamaya? Mas mabuti pang may isa sa atin ang hindi lasing."

Ngunit talagang pinipilit niya kaya wala akong choice kundi ang tanggapin iyon. Napangiwi ako nang mainom iyon, masyadong mapait. Kahit nakakainom na ako noon ay hindi pa rin ako sanay. Last akong uminom kasi sa bar ay two years ago nang pumunta kami ni Ilham sa birthday ng barkada niya at doon lang sa bar ni-celebrate. After that ay puro wine na ang iniinom naming pareho ni Ilham.

"Nakakainis naman nitong si Jeff, hindi man lang nag-text! Ganoon ba siya kabusy sa ginagawa? Huwag lang siyang tumawag-tawag mamaya, ha akala niya marupok ako?!" gigil na sabi ni Craine habang dinuduro-duro ang cellphone niya na animo'y iyon ang may kasalanan sa kanya.

Napangiwi ako. Nakalimutan kong mababa pala ang alcohol tolerance niya kaya nakadalawang baso pa lang ay lasing na. Napailing-iling ako nang patuloy siyang nagsasalita doon at pagduro-duro sa cellphone niya. Napapatingin na tuloy ang ilang naroon sa puwesto namin. Minsan ay natatawa pa sa ginagawa ni Craine.

Nang may tumabi sa akin ay agad na nanoot sa pang-amoy ko ang kanyang pabango kaya napakunot ang noo ko. Pamilyar kasi sa akin iyon. Binalingan ko siya at tama nga ako, siya na naman. Ang lalaki sa hospital. Nakaramdam ako ng inis.

"What do you want again, Mister? Hindi mo ba ako titigilan talaga? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niyo!" bulyaw ko sa kanya na kinagulat niya. Nakita kong natigilan siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Ngayon lang talaga naubos ng bungga ang pasensiya ko. "Maayos akong nakipag-usap sa'yo na tigilan ako pero masyado kang makulit. Ano ba ang kailangan kong gawin para tigilan niyo na ako? Please, ayokong malaman ng asawa ko ang tungkol sa inyo."

Tumayo ako at lumapit sa kabila ni Craine. Ngunit napansin ko ang mga tingin sa akin ng mga naroon. Na para bang ang laki ng mga kasalanan ko sa kanila dahil sa mapanghusga nilang mga titig.

Cage the Truth [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora