Chapter 35

141 3 0
                                    

CHAPTER 35

Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya.

Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya.

“Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.

“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya.

Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa.

“Si Ilham, Mom?” she asked.

“May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya.

“Grace and Craine?” Dapat ay kasabay niya ang mga ito doon.

“Tapos na sila. Inuna silang ayusin kanina.”

Hindi niya maiwasang mapangiti. She's excited for later. The thought of seeing Ilham in his tuxedo later made her excited. Alam niyang saktong-sakto dito ang tuxedo na ginawa ng Mommy niya.

Tumagal din ang pag-aayos ng mga ito sa kanya, kaya nang matapos ay hindi siya hinayaan na tumingin muna sa salamin. Nagtulong-tulong pa ang mga itong isuot sa kanya gown niya.

Hindi niya mapigilang matawa nang bahagya nang makita ang pag-awang ng labi nila pagkatapos nilang ipasuot sa kanya ang gown niya.

“Grabe, Mare, ang ganda ng anak mo! Simpleng makeup lang ‘yan pero tingnan mo naman, she looks like a beauty queen!" sabi nang babaeng nag-makeup sa kanya.

Gusto na tuloy niyang makita ang itsura niya. Baka kasi binibiro lamang siya ng mga ito dahil ikakasal siya. Ngunit ayaw naman siyang bitawan nang baklang nag-aayos ng buhok niya. He's holding her both arms at patuloy na sinusuri ang mukha niya.

“Bakla, ano ka ba! Baka magpalit pa kayo ng mukha at hindi siya siputin ng groom,” natatawang tinulak ito ng make-up babaeng nagmamanicure naman sa kanya, si Ate Tessa.

She was led by her mother to a full-length mirror. Ngunit halos malaglag ang panga niya nang makita ang kanyang mukha. Totoo ngang simpleng makeup lamang iyon ngunit mas lalong dumagdag iyon upang tumingkad ang ganda niya.

“Kita mo, kahit ikaw ay gulat sa mukha mo. Kung ganito ang mukha ko, aba ipaparada ko ito sa edsa,” saad ni Lowel a.k.a Lowela, ang baklang nag-ayos nang magandang style nang buhok niya.

Inaamin niyang nag-iba talaga ang mukha niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya ang nakikita niya sa salamin. She's really beautiful that day.

“You are so beautiful, anak.” Niyakap siya nang Ina mula sa likuran at sabay nilang tiningnan ang mukha niya.

"Thank you, Mommy. I'm so shocked; Ilham might not even recognize me."  Natatawang hinaplos niya ang mukha.

“May kulang pa, sandali.” Bumitaw ito sa kanya at nagtungo sa isang closet. May kinuha ito doong isang kahon. Pagbalik ay binuksan nito kaya agad niyang nakita ang mamahalin at napakagandang alahas. Its a complete set of jewelry.

“Mommy...”

Naalala niya ang alahas na iyon dahil iyon ang alahas na niregalo ng Daddy niya sa Mommy niya sa fifty three anniversary nila. Masyado iyong mahalaga sa Mommy niya. Ayaw pa nga nitong ipahawak sa kanya nang ilang buwan bago mamatay ang Daddy niya.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now