Chapter 5

106 4 0
                                    

CHAPTER 5

Excited na bumaba si Gelle at ang mga kasama ko nang marating namin ang destinasiyon namin. Humugot ako nang malalim na hininga ng mapatingin sa labas ng kotse. Napailing agad ako. Hindi na ako nagulat nang makita ang resort. Mahilig nga pala ang kaibigan ko sa mga ganyan.

"Nakapa-reserve na ako ng room natin. Sandali at kukunin ko ang susi para makapag-ayos na tayo. I'm excited to swim." Mabilis siyang umalis sa harap namin.

"Mommy, I want to play there." May itinuro sa Gelle sa labas ng hotel at agad naman akong napatingin doon ngunit may isang lalaking naagaw ang atensiyon ko.

He's here. That man in the hospital, narito siya. And he's now staring at me. Hindi ko mabasa ang mga emosiyong naglalaro sa kanyang mga mata. Imbis na problemahin pa iyon ay umiwas na lamang ako ng tingin. Hindi pwedeng maging dahilan naman sila para sumakit ang ulo ko. Oras na makauwi si Ilham ay sasabihin ko din sa kanya ang lahat ng nangyayari sa akin. Ayokong mag-away kami ni Ilham nang dahil lang sa itinago ko sa kanya ito.

Lumingon ako kay Nanay. "Nay, pakisamahan naman po muna si Gelle. Kami na lang po ni Craine ang maglalagay ng mga gamit natin sa kwarto. Bababa din kami pagkatapos." Kinuha ko sa kanya ang mga gamit nila. Hindi na ito makaangal pa dahil dumating si Craine at niyaya na ako.

"Nay, dito na lang po kayo. Hindi naman kami magtatagal doon, ilalagay lang namin ang mga gamit. Saka mapagod ka pa." Tumango na lamang ito kaya sabay kaming nagtungo ni Craine sa elevator.

But before the door close ay may kamay na pumigil dito para hindi tuluyang sumara. Nabigla ako nang makilala ito. Talagang nakipagtitigan pa ito sa akin bago pumasok sa loob. Ano bang ginagawa niya dito? Lalo akong sumiksik kay Craine nang makitang tumabi ito sa akin. Halos magbanggaan na ang balikat naming dalawa.

"Ano bang ginagawa mo?" Ngumuso si Craine nang mapansin ang ginawa kong pagsiksik sa kanya. "Wala naman siguro sa plano mo ang ilibing ako sa pader nitong elevator, hindi ba? Lumayo ka nga, ang laki kaya ng space! You're hurting me." Drama niya kaya nakatanggap siya ng kurot sa akin. Nakita ko pa ang pagngiwi niya.

"Tell that to the man standing beside me baka sumaya pa tayong pareho. Masyado siyang madikit kahit ang laki-laki ng space diyan," inis na bulong ko sa kanya.

At ang baliw harap-harapan talagang sumilip sa lalaki at pinaningkitan ito ng mata. Hindi ko na siya napigilan pa nang magsalita siya ng sunod-sunod, ni walang hingahan.

"Mister, baka gusto mong bigyan ng space ang kaibigan ko? Ako ang naiipit dito, oo. Sa laki ng space dito talagang pinili mo pa sa tabi ng kaibigan ko? Tingnan mo ang mukha nito, ang asim-asim na dahil sa sobrang dikit mo. Naku mister, hindi mo maaakit itong kaibigan ko dahil masyadong loyal at mahal nito ang asawa. Kahit gwapo ka ay walang-wala ka doon sa asawa niyang sinalo na yata ang lahat ng kasweetan at lahat-lahat na ibinuhos ng diyos sa lupa. Kaya bilis at lumayo-layo ka, ako'y hindi na makahinga." Ngumiti pa siya pagkatapos sabihin iyon at saka ako tiningnan. Nginiwian ko naman siya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang wika ako na kinataka niya. "Hindi kita nakitang huminga man lang."

"Ayos lang ako no. Parang hindi ka naman sanay."

Naramdaman kong natigilan ang lalaki sa gilid ko pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Ngunit talagang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit niyang titig. Para akong nabunutan ng tinik nang lumayo siya sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo niya sa likuran namin.

Nang tumunog ang elevator tanda na doon na kami sa floor namin ay halos kaladkarin ko na si Craine. Lumabas kami ni Craine ngunit akmang maglalakad papalayo ng nagsalita ang lalaki.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now