Chapter 17

75 3 0
                                    

CHAPTER 17

“I saw everything, Lore. I saw how you slap her first. You never think twice, you hurt her. I told you already, never hurt her! Pero ano ang ginawa mo?”

Hindi mapigilan ni Haera na mapakislop dahil sa lakas ng sigaw ni Ghon. Nanlaki ang mga mata niya, nagugulat. Hindi niya maiwasang manginig. She never encountered like this since she woke up.

Never din kasi nagalit si Ilham kahit ang mga taong nakakasalamuha niya ay hindi ganoon. Kaya ganoon na lang siguro ang naging reaksiyon ng katawan niya. Naramdaman iyon ni Ghon kaya mabilis itong napatingin sa kanya.

Umiling-iling siyang lumayo dito. She feel the tears on her eyes. Her body is trembling.

“No, no, don't come near me,” napaupo siya dahil sa panlalambot.

“Haera, what happened? Hey baby, look at me.” He tried to touch her pero winaksi niya iyon.

“No, no!” Umiling-iling siya.

Hanggang sa naramdaman na lang niya ang yakap nito. Ang mainit nitong katawan na naging dahilan para kumalma siya ng bahagya.

“Ilham, Ilham I need you,” paulit-ulit niyang bulong. Humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Hey, its okay. I'm here.” Hinagkan nito ang ulo niya kaya niyakap niya ito hanggang sa tuluyan na nga siyang napakalma. Pagod siyang natulala na lang. Pinakawalan siya ni Ghon at sinakop ang pisngi niya. Tinitigan siya nito. “What happened? May nararamdaman ka ba? Tell me.”

“Please, don't shout...” Umiling siya at sinubukang tumayo. Agad siyang inalalayan ni Ghon.

Nang tuluyang makatayo ay siya namang paglapit ni Lore. Kanina pa itong nakatayo nang hindi ito ang lapitan ni Ghon. Lalong nag-apoy ang galit nito sa kanya.

“Stop acting! Namumuro kana sa 'kin!” she shouted.

Sa kabila ng pag-break down niya ay nagtataka si Haera sa sarili. Kanina pa siya sinisigawan ni Lore, but she never feel what she felt a while ago. She never trembling. Pero nang si Ghon ay doon naman lang siya nagbreak down.

Siguro ay babae si Lore kaya hindi niya naramdaman iyon. May nakikita naman kasi siyang babae na nagagalit and they being violent. Hindi lang siguro talaga sanay sa mga lalaki.

Nilalayo kasi siya noon ni Ilham sa mga ganoon. If ever na may mangyari iyon sa harap namin or sa paligid namin ay nilalayo na niya ako, o hindi kaya nilalagyan niya ng headset ang tainga ko and play the music, at pilit niyang iniiwas ang paningin ko sa mga ganoon.

“Stop this, Lore. Huwag mo akong hintayin na magalit pa, hindi mo magugustuhan,” mahinahong saad ni Ghon at hinawakan siya sa siko. Malamlam na ang tingin nito sa kanya. “Let's go, bumalik na tayo sa mga bata.” At saka siya nito inalalayan sa paglalakad.

Pilit niyang inaagaw ang siko dito ngunit ayaw nitong bitawan. “Kaya kong maglakad, Ghon. You can stay here, and please talk with her. Ayokong mauulit ito dahil hindi iyon magugustuhan ni Ilham.” Itinuro niya ang mukha at labi. “If he saw this, I don't know what will happened. Ayaw niyang nasasaktan o sinasaktan ako, Ghon. Kaya pagsabihan mo ang girlfriend mo, baka sa susunod ay magugulat na lang akong nasa taas ko na siya at may hawak na patalim. Kung pwede ay ayusin niyo ang ano mang problema niyo. Ayaw kong masali sa  away niyong dalawa,” mahinahong wika niya at pilit na binawi ang kamay sa kanya.

Dahil sa gulat ay humuwang ang pagkakahawak niya, kinuha niya ang pagkakataon na iyon para makawala sa pagkakahawak nito.

“Ayusin mo muna ang sa inyong dalawa bago ka bumalik doon. Baka biglang sumugod na naman doon.” Naglakad na siya papalayo doon nang hindi ito nililingon.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now