Chapter 3

129 4 0
                                    

CHAPTER 3

“It's very important, babe!” Kunot ang noo kong wika kay Ilham.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pumayag siya. Hindi pwedeng lagi na lang niyang sinasakripisyo ang lahat para sa akin. Kung hindi lang tumawag ang secretary niya ay baka hindi ko pa malalaman. He declined the important offer in Taiwan. Na-cancel kasi iyong sa Davao at Cebu mabuti na lang at may offer din siya sa Taiwan. Makakatulong pa lalo iyon sa kompanya niya para lumago pero tinanggihan niya iyon sa kadahilanang wala akong makakasama dito.

“But you're more important in that. You can't change my mind. Ayokong iwan ka dito.” Umiling siya at niyuko ang mga papeles na nasa harap niya.

Pinadala niya ang papeles sa bahay para dito na lang siya pansamantalang magtatrabaho. Ganito talaga siya kapag sinusumpong ang sakit ng ulo ko. Ayaw niyang nauulit iyon. Ayaw niyang sumasakit ang ulo ko ng wala siya. Ayaw niyang may nangyayaring hindi maganda sa akin. Gusto lagi niyang nasa ligtas na kalagayan ako.

“Kaya ko na, babe.” Umupo ako sa harap niya, bumuntonghininga. “Ilham, hindi pwedeng lagi na lang ganito. Lagi mo na lang akong inuuna. Laging ako lagi kaysa sa iba. Kahit ang mga importanteng bagay ay nakakalimutan mo dahil sa akin. Ilham, ayoko ng gano'n. Ayokong pinapababayaan mo ang ibang bagay dahil lang sa akin. Pakiramdam ko ang taas-taas kong tao para pahalagahan mo ng ganito. Alam kong nag-aalala ka at mahal na mahal mo ako pero ayokong unti-unting nawawala sa'yo ang lahat dahil mas inuuna mo ako.”

Natigilan siya sa pagbuklat ng mga papeles. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-angat ng tingin sa akin. “Because you're my top priority, Haera. Ang kaligtasan mo ang mas importante sa akin. What if nasa malayo ako kapag sumakit ang ulo mo? I'm so scared leaving you alone with our daughter. Bata pa lang si Gelle, hindi niya kayang dalhin ka sa hospital kapag sinumpong ka.”

“But she can call for help. What the use of our phone kung hindi naman natin gagamitin? Kung iyon ang problema mo ay pwede ka namang kumuha ng makakasama namin dito ni Gelle. Please Ilham, kaya na namin ito. Mas importante ang offer na iyon. Alam ko naman na hindi ka magtatagal doon. Just two weeks--” Pinutol niya ang sasabihin ko.

Nakanguso niya akong tiningnan. “Two weeks is too long for me. Dalawang linggo kitang hindi makikita. Hindi ko kaya ang ganoon, babe.”

Natawa ako. Tumayo ako at nagtungo sa tabi niya. Binigyan niya ako ng espasiyo para makaupo sa hita niya. Pinalibot ko agad ang mga braso sa leeg niya at niyakap siya. Bahagya pa akong nailang. Sa ginawa kong iyon ay nagtalo na agad ang puso at isip ko. Hindi ko sana ginawa iyon. Pakiramdam ko ay may magagalit dahil sa ginawa ko ngunit sinawalang bahala ko ang pakiramdam na iyon. Lagi na lang ganoon ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Ilham.

“I will call you every hour, okay? Magsesend ako ng mga litrato namin ni Gelle sa'yo para hindi mo kami mamiss ng sobra.”

Unang beses niyang mawala ng dalawang linggo. Noon kasi kapag may business meeting siya sa ibang bansa ay tatlo o apat na araw lang ang  tinatagal niya doon.

Bumuntonghininga siya. Matagal din siyang hindi nagsalita, mukhang nag-iisip pa siya kaya hinayaan ko na muna. Alam ko namang papayag din siya. Hindi niya ako kayang tanggihan.

“Okay then. You promise me to call me every hour and send your pictures every minutes,” sumusukong wika niya at mahinang kinurot ang ilong ko.

Napangiti ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa hita niya at hinagkan siya sa pisngi. “Very good. Masunurin ka din pala eh.”

Ngunit sa sinabi kong iyon ay sumama ang mukha niya. “Para naman akong aso no'n, babe.” Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin na kinalaki ng mga mata ko.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon