Chapter 9 Under Revision

88 3 0
                                    

CHAPTER 9

Kumatok ako sa pintong pinasukan kanina ni Mrs. Verdadero ngunit walang sumagot. Luminga-linga ako sa paligid at muling kumatok. Until I feel someone stand beside me. Nilingon ko ito at muling nakita ang lalaki.

"Hindi ako mahilig sa playboy," iyon agad ang sinabi ko.

Ilang minuto bago ko siyang narinig na tumawa. Hindi ko na lang siyang pinagtuunan ng pansin.

"Ang sungit mo na ngayon, ah."

Inis ko siyang tiningnan at agad naman siyang humakbang paatras habang nakataas ang parehong kamay na animo'y sumusuko. Natatawa pa siya kaya napailing ako. Muli akong kumatok sa pinto.

"Don't tell me you think that I'm hitting on you? Oh men, that's a no. Patay ako sa mylabs ko." Masyado siyang madaldal.

Walang emosiyon ko siyang binalingan. "Talaga, may lumatol sa 'yo? That's a miracle, you think?" Umirap pa ako sa kanya at dahan-dahang nginuso ang pinto.

Bago pa siyang makapagsalita ay tinulak ko na siya patungo sa pinto. Bumuntonghininga siya saka ito binuksan na lang.

"Tita? Your daughter here---I mean itong babaeng binigyan mo ng discount ay hinahanap ka." Nilingon niya ako. "Ano pa bang kailangan mo kay ---"

"Manahimik ka nga! Close ba tayo? Ni ngayon pa lang naman kita nakita." Muli ko siyang tinulak papalayo. Nakita ko agad si Mrs. Verdadero sa sopa habang may katawagan ito. Napapansin ko ang pamamaga ng mga mata nito. She's crying? Nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam, tumayo siya at sinalubong ako. Bumaba ang tingin niya sa suot ko.

"Nagbihis kana pala. I see the dress lately, and you really looked beautiful wearing it. I'm sorry kung hindi kita nasamahan, my son-in-law called me kaya hindi ako agad nakabalik.

"Its okay, Mrs. Verdadero!" Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Oh, what are you doing here by the way? You need something? What it is? May ibang dress ka pang bibilhin?" she asked.

"Wala na po. I'm going to asked the price of this dress para mabayaran ko na sana. Wala kasing tag price ito since this is just a display. May pupuntahan pa kasi sana ako," Itinaas ko ang braso kung saan ang dress nakasampay.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam naman ako nang kung ano, hindi ko maipaliwanag. Napatingin ako sa kamay niya hanggang sa magtagpo ang mga paningin namin na kinangiti niya. Ngumiti din ako.

"Sasamahan kita, ako nang bahala. Let's go." Nilingon niya ang lalaking nakatingin lang sa aming dalawa. "You stay here, huwag mong istorbohin si Mika, nagtatrabaho iyon huwag kang makulit."

Agad siyang umangal. "What? Tita, no! I won't just stay here. My Mika needs me---"

"Oh, nope. She said she doesn't needs you."

Nahulog ang panga niya na kinatawa ko nang bahagya. Sinamangutan niya kami. "That's not true. Magtatrabaho din naman ako, Tita."

"Hindi na, mahal kamo ang service mo kaya huwag na---" Hindi na niya pinatapos si Mrs. Verdadero.

"Oo na nga, libre na lang ang trabaho ko. Kung hindi lang kayo Mommy ni Rain." Tumakbo na siya agad palabas nang hindi kami nililingon.

"He's really makulit po?" I asked.

"Hindi naman. Sobrang sungit din ng batang iyan pero simula ng makilala niya ang girlfriend niyang si Mika ay dumaldal at kumulit na. Parehong-pareho na ang ugali ng dalawa. Halika at sasamahan kita sa counter."

Sinamahan nga niya ako patungo doon. Siya na nga ang nag-asikaso sa akin kahit marami naman siyang staff doon. Sobrang daldal din niya, para hindi siya nauubusan ng kwento. Sa ikli nang oras na magkasama kami ay pakiramdam ko ang dami-dami ko na agad na nalalaman sa kanya. Nang matapos akong magbayad ay sinamahan pa niya ako sa labas hanggang sa makasakay ako.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now