Chapter 10 Under Revision

85 3 0
                                    

CHAPTER 10

While sitting at the bed, hindi ko maiwasang mapamguso habang tinitingnan ang mga damit namin ni Gelle na nakakalat sa kama. Iyon kasi ang dadalhin namin sa Palawan ng araw na iyon. Si Ilham ay sa susunod na araw pa makakauwi kaya mauuna na kami roon, at susunod na lamang siya. Kailangan ko pang sunduin sila Grace mamaya.

Alas singko pa lamang naman ng umaga ay nagising na ako para ayusin ang mga gamit namin. Hindi ko nagawang mag-empake kagabi dahil napuyat ako sa kakanood ng Chinese drama. Ayos lang naman dahil alas otso pa ang alis namin. Dadaan muna siguro ako sa Rainne's Boutique, to meet Tita.

Tumayo ako mula sa kama at nilagay ang mga damit na dadalhin sa maleta. Nagdala na din ako ng konting damit ni Ilham. Pagkatapos ay ginising ko na si Gelle para sabay na din kaming maligo. Nagluto na ako ng agahan namin kaya pagbaba ay bitbit ko na ang maleta at nakaayos na kaming pareho ng anak ko.

Inasikaso ko muna siya bago ako kumain. "Mommy, mababait po ba ang people there like Lola Nina and Tita Grace?"

Napangiwi ako. Hindi yata mawawala iyon sa anak ko. Everytime we travel everywhere ay iyon ang tinatanong niya sa akin. Kung mababait at friendly na ang mga naroon. If there's a children na makikipaglaro sa kanya nang hindi siya inaaway.

"Grace, told me na ang babait ng mga tao doon anak. Pipigilan naman siguro tayo ni Grace kung mga salbahi ang mga tao doon. We trust your, Ate." Nilagyan ko siya ng gatas sa tabi niya na agad naman niyang kinuha at ininom. I look at her plate. "Finish your foods na para makaalis na tayo. I would let you meet someone."

"Is a he or a she?" Tumigil siya sa pag-inom ng gatas at tiningala ako.

"She, anak. She's the owner of Rainne's Boutique." Napangiti ako nang tumango siya at nagpatuloy sa pag-inom.

"Is she nice to you?" Everytime I meet someone na malalaman niya, tinatanong niya agad sa akin kung mabait ba ito or maganda ang pakikitungo sa akin.

"Of course, anak. I won't let you meet her if not. Are you done?" Nilayo na kasi niya ang plano niya at ang basong walang laman. Tumango siya bumaba sa upuan niya.

Hinugasan ko muna ang mga ginamit namin. Kahapon ay nagpaalam ako kina Nanay kaya sa bahay muna sila ni Craine. Sakto naman at walang pasok ang mga bata nang isang linggo. Umayon talaga sa lakad namin. Pinaalam ko na rin si Grace, pinuntahan ko nang isang araw si Mrs. Verdadero at humingi ng favor sa kanya na sabihin kay Wize na hindi muna papasok si Grace. Tinawagan naman niya ang binata at sinabi iyon, mabuti at pumayag ang binata.

"Tita!" Pag-park pa lang ng kotse ay nakita ko na agad siya sa labas ng boutique niya, nakangiti.

Pagbaba ay kumaway ako sa kanya. Umikot ako para pagbuksan si Gelle. Nakangiting sinalubong kami ni Tita Sofie. Nang makita niya si Gelle ay natigilan siya at agad na natulala.

"I-Is she your daughter Gelle?" Hindi ko alam kung bakit naiiyak siya habang nakatingin sa anak ko.

"Yes Tita!" Hinawakan ko ang kamay ni Gelle at nagtungo kay Tita. Agad na napaluhod si Tita saka niyakap si Gelle. Mukhang nagulat pa ang anak ko.

"She look like you when you're a kid, oh god! My baby!" Umiiyak talaga siya kaya hindi ko na pinasin ang sinabi niyang iyon.

Gelle suddenly raised her both hands para yakapin pabalik si Tita. "Are you okay po? Why are you crying?"

"I'm okay, I'm just happy." Humiwalay siya sa anak ko at tiningala ako, ngumiti siya. "Thank you for letting me meet your daughter."

Ngumiti ako. "No problem, Tita. Wala pa kasi si Ilham kaya hindi ko muna siya maipakilala sa inyo. Maybe after we got home from Palawan, dederetso po kami dito."

Cage the Truth [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora