Chapter 11 Under Revision

90 3 0
                                    

CHAPTER 11

Bakit nandito ang mag-amang iyan? And why he's with a girl? Nangunot lalo ang noo ko nang makitang pumulupot ang kamay ng babae sa braso ni Ghon. He's Ghon Angeles, multi-billionaire. I tried to search him last night dahil talagang hindi ako pinatulog ng maayos ng babaeng akala niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa nabasa at nakita. Talagang ngang kamukha ko ang babae, bawat angulo, expression, at tindig. Paanong nangyari kamukha ko ito dahil sigurado naman akong wala akong kakambal basi sa pinakita ni Ilham na papales ko. Nakasulat doon na nag-iisa akong anak.

"Ghon hijo... Lore!" Mas nagulat ako nang makilala ni Nanay Nina si Ghon. She know him too? And also the girl?

Lore?

Bahagya akong napaatras nang bahagyang sumakit ang ulo ko. Kumirot ito. Bakit pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalan na iyon? Bakit may kung umusbong na kung anong pakiramdam sa puso ko habang nakatingin sa mga ito?

"Mommy, look I saw a shell! Can I put this to Aqua right?" Si Aqua ay ang alaga niyang isda.

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Gelle. Tumatakbo ito patungo sa amin habang nasa likuran si Grace buhat-buhat si Kookie. Nakangiti pa siya ngunit nang dumapo ang paningin sa harapan ko ay nawala ang ngiti nito.

"Anong ginagawa niyo dito?" galit agad na wika ni Grace.

"Grace--" Nagsalita si Ghon ngunit itinaas ni Grace ang kamay upang patigilin ito.

"Stop Kuya, I don't want to hear your voice. Kahit kaibigan ka ni Boss, hindi mo ako madadaan diyan," masungit na saad niya dito.

"Grace anak, ano ka ba naman. Ano bang nangyayari sa iyong bata ka. Si Kuya Ghon mo iyan." Lumapit si Nanay Nina kay Grace at hinawakan ito sa braso.

"Wala naman akong pake. Akala ba niyan makakalimutan ko ang lahat ng ginawa niya kay Ate Rainnance?" Marahan na tumingin sa akin si Grace at bumuntonghininga. "Kahit nagkabati sila noon hindi din no'n nabura ang galit ko sa ginawa niya. Tapos ngayon pupunta siya dito kasama ang babae niya?" Tumingin siya kay Lore pagkatapos ay sa akin ulit. "Kung nasaan man si Ate Rainnance ngayon, masaya akong malaman na masaya na siya. Kung buhay man siya, hinihiling kong sa tamang lalaki siya mapupunta. Ang lalaking mamahalin siya ng buo at hindi sasaktan ng paulit-ulit." Hinawakan niya ang kamay ni Nanay at tumango sa akin tanda na aalis na kami.

Nakita ko pang natigilan si Ghon. Hindi ko maiwasang mapaisip. Kung ganitong galit na galit si Grace kay Ghon ay pakiramdam ko nasaksihan nito ang buhay ni Rainnance dito sa Palawan? Ngunit bakit siya galit kay Ghon? Nandito din ang lalaki noon? Who's Lore in Ghon's life? Bakit nasabi ni Grace na babae ito ni Ghon?

"Mommy!" Boses iyon ni Sircto kaya natigilan ako. Bahagya akong lumingon at nakita ko ang tatlong batang maluha-luha habang nakatingin sa akin.

"Ate Haera, let's go na po!" tawag naman ni Grace.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Palipat-lipat ang tingin ko kay Grace at sa mga bata. Until Gelle spoke softly to me.

"Mommy, they are crying. I think they want to play with us. Let them come with us po?" Bahagya pa itong kumaway sa tatlong bata.

"Kids, let's go. Uuwi na tayo, you need to rest pa!" Tinawag ni Lore ang mga bata ngunit hindi siya ng mga ito pinansin.

Bumuntonghininga ako at tumalikod. Hinawakan ko ang kamay ni Gelle at naglakad papalayo ngunit natigilan din ulit nang marinig ang hikbi ng mga bata. Gusto ko na lang magmura. Nilingon ko silang muli ngunit ang paningin ni Ghon ang nakasalubong ng mga mata ko. Nagkatitigan kami.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now