06

535 9 0
                                    

Nang matapos kong kumain, nagpatuloy akong mag-scroll sa mga social media posts tungkol sa gobernador at sa kanyang girlfriend. Napansin ko na may mga viral videos at mga larawan na nagpapakita ng mga intimate moments ng dalawa. Makikita ang mga ito sa mga restaurants, beach resorts, at iba pang mga romantic na lugar. Marami ang nagbabahagi ng kanilang saloobin at reaksyon sa hiwalayan na nangyari. Ang ilan ay nagpahayag ng pagkadismaya habang ang iba ay natuwa dahil nawala na ang girlfriend ng gobernador.

Nagpatuloy ang pag-scroll ko sa mga comments at nabasa ko ang ilang mga comments na na curious sa kung anong dahilan sa pag break up ng dalawa.

"Ate, ate" napa tingin ako sa biglang pumasok sa kwarto ko. Isa sya sa mga katulong dito sa mansyon. "Sorry po at pumasok ako pero kina kailangan mo pong makita ito" Ibinigay niya sa akin ang cellphone niga kung saan may live interview kay Lucian.

Napatingin ako sa screen, at biglang nagkaroon ng mix ng emosyon sa loob ko - galit, pagkasabik, at takot. Nakatutok ang camera kay Lucian, habang isang kilalang news anchor ang nagsasagawa ng panayam.

"Governor Lucian, marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan sa inyong hiwalayan ng inyong girlfriend. Pwede po bang malaman natin ang totoong rason?" tanong ng news anchor, habang ang mga cameramen ay patuloy na nagre-record.

Tumingin si Lucian sa camera, kasama ang pagpapakitang-gilas na ngiti. "Well, it's a personal matter, and I believe it's best to keep it private. We have mutually decided to part ways, and I wish her all the best in her future endeavors," sagot ni Lucian, nagsasalita gamit ang mas nakasanayang language.

"Marami po ang naghihinayang sa inyong break-up. Marami rin ang sumusuporta sa inyo at umaasa na magiging masaya kayo sa mga susunod na hakbang na gagawin ninyo. Ano po ang mensahe ninyo para sa inyong mga taga-hanga at sa mga nagmamahal sa inyo?" dagdag ng news anchor, may kasamang ngiti.

Napakunot-noo ako sa kanyang sagot. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinasabi ang totoong dahilan sa kanilang hiwalayan. Nag assume naman ako, na  ipakilala niya ako sa harap ng maraming tao.  Sinubukan kong pigilin ang mga luha na nagnanais na lumabas, at nagpatuloy sa panonood ng interview.

"Tatanawin ko po nang malaking utang na loob ang suporta ng aking mga taga-hanga at mga minamahal sa akin. Sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap natin, patuloy akong magsisilbi sa bayan at sa mga mamamayan ng aming lalawigan. Hinding-hindi ko kayo bibiguin," pahayag ni Lucian. Ito ang dahilan kong bakit maramig nag mahal sa kanya. Isa talaga sya sa mga magaling na magsalita. Sa mga narinig ko nga ay isang Attorney itong si Lucian.

Napabuntong-hininga ako, sabay hagod sa aking dibdib na nagdaramdam. Ang sakit sa loob ko ay lalong lumalim sa tuwing nakikita ko ang pagpapanggap ni Lucian. Ngunit hindi ako handang sumuko, lalo na't may mga tao pa rin na umaasa at sumusuporta sa kanya.

"Okay ka lang ate?" Tanong ng katulong habang may pag alalang tingin sa akin.

"Okay lang ako, Thank You" ibinalik ko na ang cellphone niya rsaka ngumiti. Nag paalam sya dahil mag lilinis na daw sya bg sala.

Nang maka alis na sya ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga komento mula sa netizens. Maraming iba't ibang opinyon ang nababasa ko. May mga nagtanggol kay Lucian at naniniwala na may dahilan siya sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend. Sa kabilang banda, may mga nagdududa at naniniwalang may iba pang dahilan na hindi pa nabubunyag.

Napaisip ako habang binabasa ang mga komento. Iniisip ko kung paano ko haharapin ang mga pangyayaring ito at kung paano ko mababago ang sitwasyon sa pagitan namin. Hindi ko gustong maging hadlang sa mga pangarap ng gobernador, ngunit gusto ko rin na maipakita sa kanya ang halaga ko bilang asawa.Kung gaano ako ka deserving na matawag bilang asawa ng gobernador. Gusto ko ring mapalapit sya sa akin bago ako bumalik sa probinsya.

Politician Series 2: The Governor's Secret Affliction [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon