Chapter 4

67 4 0
                                    

A new environment greeted Ceesta as she step into the palace's kitchen, located at the groud floor. Habang pababa ng hagdan ay tanaw na niya ang ilang kagamitan.

There were various sizes of cooking pots on top of wall shelves across her: some were hanging from the grey brick wall, and a wide table in the center.

Sa kaliwa ay makikita ang malalaking pugon, habang sa kanan ay ang mga gamit pangluto na nakasalansan ng maayos sa lamesa't may nakasabit din sa dingding. Abalang sinusuri ni Ceesta ang mga kasangkapan nang biglang lumabas si Deo sa isang natatagong daan habang pinupunasan ang kamay ng puting panyo.

"Ah, so that's the kitchen boy." Apollo spoke. Sinabi ni Ceesta ang tungkol dito. She knew Deo could help them.

Nauna na siyang humakbang palapit ngunit muling napatigil.

"Deo!"

Mula sa nilabasan nito ay sumunod ang isang pamilyar na babae na siyang tumawag kay Deo bago pa ibuka ni Ceesta ang bibig. She pursed her mouth and scanned the girl in a dark green prairie dress with a brown corset. Her dark hair was tied in a low bun. Bitbit din nito ang eksaktong basket na dala noong binalak niya itong nakawan.

"Shit."

Apollo cursed behind her. Malamang sa malamang ay namukhaan din nito ang babae.

"Why is she here?!" Sigaw na pabulong nito kay Ceesta. Hindi na niya sinagot ang kasama dahil sigurado naman siya na malalaman din nito kung bakit.

Narinig niyang tinawag ito ni Deo na Mara. Nagtatanong kung saan ito pupunta.

Pinanood lamang niya mag usap ang dalawa at base sa mga ngiti at galaw ay masasabing matagal na ang mga ito na magkakilala-- hindi naman na kataka taka gayon na sa iisang lugar lang ang mga ito nag tatrabaho.

Ayaw sana niyang maka abala ngunit hindi magsasayang ng oras si Ceesta. She intentionally coughed. Apollo tensed. At agad nakuha ang atensyon ng dalawa.

Deo's eyes squinted followed by a wide smile when she saw Ceesta. While Deo was scanning her, she had read Mara looked uneasy. Lalo na nang matingin ito sa gawi ni Apollo.

Mara said something to Deo and immediately leave. Gaya ng kanina ay nakayuko ito na naglakad palayo at hindi siya nito, o sino man sa kanila, tinapunan ng tingin. She wondered why Mara acted so timid gayon na sila dapat ang mahiya rito. Tinangka nila itong nakawan, and yet, mukhang ito pa ang nahihiyang maglantad ng mukha.

In her mind, the scene from the hallway earlier flashed back. Aslan had a conversation with Mara. She thought that he might have threatened Mara to stay away from them or could be something...

Ayaw man niyang isipin, maaari pa rin na may kinalaman si Aslan. But the question was why?

Aslan despised her. Ceesta knew he was just toying her. But why would he threatened Mara for them?

Kung kalat na sa palasyo na isa siyang babae na may kakaibang abilidad, siguradong kalat din kung paano nagsimula ang istorya kung bakit sila napunta sa dungeon. At siguradong alam din ni Mara na siya at si Apollo ay binalak na ito'y nakawan.

"Deo." Nakangiting inilahad ni Deo ang kamay kay Apollo.

Kinuha iyon ni Apollo at nakipag shakehands. "Apollo."

As much as she wanted to decipher his game, isinantabi muna ito ni Ceesta. Mawawala rin naman ang lahat ng ito sa oras na mahanap nila ang libro.

Something twisted inside her when she thought of it.

Mawawala rin lahat ng ito. Sounds tragic to her, yet, she couldn't afford to stay here.

"So.." Deo clasped his hands at salitang tinignan si Ceesta at Apollo. "Anong maitutulong ko?"

Norfolk Where stories live. Discover now